Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tugunan ang tawag na maging makadukha

SHARE THE TRUTH

 313 total views

Mga Kapanalig, darating kaya ang araw na wala na tayong makikitang mga batang namamalimos sa lansangan? Wala nang mga magulang na kakapit sa patalim, maipagamot lamang ang may sakit na anak? At wala nang mga estudyanteng hihinto sa pag-aaral upang magbanat ng buto at makatulong sa pamilya? Sa gitna ng madugong digmaan kontra droga, sana ay hindi nakakalimutan ng kasalukuyang administrasyon na matinding kahirapan ang siyang sumisira sa buhay at kinabukasan ng milyun-milyong Pilipino. Ang araw na ito, ika-17 ng Oktubre, ay itinakda ng United Nations bilang International Day for the Eradication of Poverty, isang taunang paalala na ang kahirapan ay labag sa karapatan at dignidad ng tao.

Sa survey na isinagawa noong Setyembre ng Social Weather Stations o SWS, sinasabing mas kaunti kumpara noong Hunyo ang mga Pilipinong nagsabing sila ay mahirap. Ito po ang tinatawag na “self-rated poverty.” Mula 45 percent o katumbas ng 10.5 milyong pamilya noong Hunyo, bahagya itong bumaba sa 42 percent o 9.2 milyong pamilya nitong Setyembre. Target ng pamahalaan, sa pangunguna ng National Anti-Poverty Commission o NAPC, na pababain ang bilang ng mahihirap na pamilya nang 9 na porsyento. Bagamat aminado ang ahensyang magiging mahirap ang pagkamit nito, hindi raw ito imposible.

Sa Partnerships Against Poverty Summit na isinagawa noong nakaraang linggo, inilunsad ni Vice President Leni Robredo ang “Angat Buhay Program.” Paiigtingin ng programang ito ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor sa layuning itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap. Sisimulan ito sa 50 bayan at siyudad, at ang bawat isa ay magkakaroon ng katuwang o partner mula sa pribadong sektor (kasama ang mga NGOs) sa pagpapatupad ng mga proyektong pabahay, pang-edukasyon, panghanapbuhay o livelihood, at mga gawaing may kinalaman sa paghahanda at pagtugon sa epekto ng mga kalamidad. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni VP Leni na ang kahirapan ang nag-uudyok sa mga taong gumawa ng krimen, gaya ng pagtutulak ng iligal na droga.

At nariyan pa rin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng pamahalaan. Tandaan natin, mga Kapanalig, na layunin ng 4Ps na putulin ang tinatawag na “intergenerational transfer of poverty” sa pamamagitan ng pagtiyak na nakapag-aaral ang mga bata at malusog ang mga inang nagdadalantao—mga conditionalities ng halagang ipinagkakaloob ng pamahalaan. Samakatuwid, malalaman lamang natin ang tunay na pagbabagong hatid ng 4Ps matapos ang mahabang panahon. Pang-agapay lamang ang programa, hindi “band-aid solution” sa problema ng kahirapan. Kailangan itong samahan ng iba pang programa mula sa pamahalaan, pribadong sektor, at iba pang institusyon gaya ng Simbahan.
At tayo pong mga bumubuo ng Simbahan, lalo na ang mga nakaaangat sa buhay, ay may tungkuling tulungan ang mga kapatid nating dukha. Isang mahalagang prinsipyo sa mga panlipunang turo ng Simbahan o Catholic social teaching ang pagkakaroon natin ng pag-ibig ng pagtatangi para sa mga dukha, “love of preference for the poor.” Gaya ng pinagtibay ng Second Plenary Council of the Philippines o PCP II, “Bilang Iglesia, tunay ngang nakalaan tayo para sa lahat ng mga tao…, subalit higit sa lahat, katulad ni hesus, may mapagtangi tayong pagpili para sa ‘maliliit’, ang mga dukha at aba sa ating lipinan.” Inuudyukan tayo ng pag-ibig na ito “na maging interesado sa makabuluhang mga usaping kinasasangkutan ng mga batang lansangan, mga walang hanapbuhay, maliliit na mangingisda, mga magsasaka at manggagawa, pinagsasamantalahang mga kababaihan, mga [maralitang tagalungsod], mga manininda sa bangketa at mga pulubi, katutubong mga Pilipino, at ng iba pang mga aba sa buhay pantao at panlipunan.”

Mag Kapanalig, ang armas laban sa kahirapan ay ang pagmamahal natin sa ating kapwa. Gaya ng utos ni Hesus sa atin, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Tugunan ang tawag na maging makadukha.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 32,331 total views

 32,331 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 43,495 total views

 43,495 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 79,593 total views

 79,593 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 97,395 total views

 97,395 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Sana ay mali kami

 1,212 total views

 1,212 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Para saan ang confidential funds?

 32,332 total views

 32,332 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 43,496 total views

 43,496 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 79,594 total views

 79,594 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 97,397 total views

 97,396 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 101,976 total views

 101,976 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 104,532 total views

 104,532 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 106,910 total views

 106,910 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 94,774 total views

 94,774 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 129,539 total views

 129,539 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »
1234567