Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Booster shots sa pediatric population, sinimulan na sa Diocese ng Novaliches

SHARE THE TRUTH

 474 total views

Nagsimula na sa Diocese of Novaliches ang pilot testing ng COVID-19 first booster shot para sa pediatric population o mga nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Ayon kay San Bartolome de Novaliches Parish Parochial Vicar Fr. Harvey Bagos na patuloy ang pakikipagtulungan ng Diocese of Novaliches sa pamahalaang lungod ng Quezon para sa COVID-19 vaccination sa parokya upang makatulong sa pagbibigay proteksyon sa mga tao laban sa virus.

Hinihikayat naman ng pari ang mga magulang na may anak na nasa edad 12 hanggang 17 na pabakunahan ng booster shots ang mga bata lalo na kung lumagpas na sa limang buwan magmula noong matanggap ang second dose ng bakuna.

“Nagsisimula na po tayo ng ating pilot testing ng first booster ng mga bata, pedia ages 12 to 17. Kaya po inaanyayahan ko po ang lahat ng mga magulang na may anak na 12 to 17, kung ang inyo pong anak ay lumagpas na ng limang buwan sa kanilang second (vaccination), pwede na po kayo magpa-booster o makibalita sa announcement ng vaccination para sa inyong mga anak,” paanyaya ni Fr. Bagos.

Batay sa tala ng Quezon City COVID-19 Vaccination Tracker, umabot na sa higit anim na milyon ang bilang ng mga indibidwal na nakatanggap na ng first at second dose ng bakuna, gayundin ang booster shots.

Sa bilang, nasa higit isang milyon sa mga indibidwal ang nakatanggap ng una at ikalawang COVID-19 booster shots.

Maliban sa pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing, patuloy pa rin ang paghihikayat ng simbahan at pamahalaan na magpabakuna para sa karagdagang kaligtasan laban sa virus.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SONA

 14,406 total views

 14,406 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 40,006 total views

 40,006 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 51,010 total views

 51,010 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 87,092 total views

 87,092 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Michael Añonuevo

Sana ay mali kami

 7,957 total views

 7,957 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 7,958 total views

 7,958 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567