CBCP-ECHC, pinag-iingat ang mamamayan sa monkeypox

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 418 total views

Dalangin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kaligtasan ng bawat isa laban sa iba’t ibang uri ng karamdaman.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, makabubuti pa rin ang wastong pag-iingat at pangangalaga sa katawan upang maiwasan ang pagkakaroon nang malalang karamdaman.

Kaugnay ito sa anunsyo ng Department of Health matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng Monkeypox virus sa Pilipinas na nagmula sa isang 31-taong gulang na pasyenteng dumating sa bansa noong Hulyo 19 at nagpositibo sa virus nitong Hulyo 28.

“Alam natin na ang mga ganitong uri ng virus ay laging nand’yan sa ating paligid, hindi po natin masasabi na wala ‘yan, hindi totoo ‘yan. The fact that it is scientifically proven na meron, all that we can do is always make ourselves [aware] that we need to prevent it because alam natin that an ounce of prevention is better than a pound of cure,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Karaniwang sintomas ng monkeypox virus ay ang lagnat, panghihina ng katawan, pagkahilo, namamagang kulani, at mga rashes sa mukha, dibdib, paa, kamay, at maging sa maselang bahagi ng katawan.

Paalala naman ni Bishop Florencio na kapag nagkaroon ng anumang sintomas ng monkeypox, mahalaga ang pagiging kalmado at agad na magpakonsulta sa doktor.

“Let us not put this as something as so alarming na hindi tayo makakakilos. This is undercontrol. Mayroon d’yang banta pero we are still in control,” ayon sa Obispo.

Batay sa huling tala ng United States federal agency na Centers for Disease Control and Prevention, nasa higit 23,000 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng monkeypox sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 33,936 total views

 33,936 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 29,805 total views

 29,805 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 66,007 total views

 66,007 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 75,232 total views

 75,232 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 101,517 total views

 101,517 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top