Wage hike sa mga health care workers, suportado ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 518 total views

Nakiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care sa mga nurse at iba pang health care workers sa pagkakamit ng wastong suweldo.

Ayon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, vice-chairman ng CBCP-ECHC, karapatan ng sektor na makamit ang wastong suweldo at benepisyo.

Ipinagdarasal ng Obispo na pangunahan ng pamahalaan ang mga pagpupulong na tatalakay sa kapakanan ng healthcare workers sa bansa.

“Kailangan talaga dagdagan kung ito po ay insufficient meaning yung ano naman po na mabigyan natin sila ng dangal ang kanilang trabaho, they are also human beings,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Florencio

Ito ang pakikiisa ng Obispo sa panawagan ni United Kingdom-based Filipina nurse at George Cross Awardee May Parsons’ na tugunan ang pangangailangan at mababang suweldo ng mga healthcare workers sa Pilipinas.

Hinimok naman ni Bishop Florencio ang mga health care workers na ipagpatuloy ang pagseserbisyo para sa bayan sa gitna ng nararanasang mga pagsubok.

“Mapanatag na isipan na tayo ay ginagawa natin yung mga tungkulin at the same time nakakatanggap din tayo ng tama or decent na sahod from the work that we are doing, at in the end sana tayong lahat ay mabigyan din ng basbas ng ating Panginoong maykapal upang ang mga suliranin na ito ay matugunan at malampasan po natin at patungo tayo sa pag-unlad, pag-unlad ng ating bansa, pag-unlad din ng ating pamumuhay,” panalangin ni Bishop Florencio

Nabatid mula sa Department of Labor and Employment, ang entry level ng mga nurse na nasa pampublikong pagamutan ay nasa 13-libong piso habang nasa 10-libong piso lamang sa mga nurse na nasa pribadong pagamutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 33,656 total views

 33,656 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 29,525 total views

 29,525 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 65,727 total views

 65,727 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 74,966 total views

 74,966 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 101,271 total views

 101,271 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top