Mamamayan, hinimok na palalimin ang debosyon sa Mahal na Ina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 870 total views

Hinimok ng deboto ng Nuestra Señora de Peñafrancia ang mamamayan na lalung palalimin ang pagdedebosyon sa Mahal na Ina.

Ito ang mensahe ni Bro. Francis Lajola, in-charge ng Peñafrancia festivities ng Most Holy Trinity Parish, Balic-balic Manila sa ginanap na ‘Pagsungko ni Ina’ nitong September 17, 2022 na sinundan ng Bicolano Mass na pinamunuan ni Fr. Joebert Fernandez.

Ayon kay Lajola ang pagdiriwang sa kapistahan ng Birhen ng Peñafrancia ay paanayaya sa bawat isang paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng Mahal na Ina.

“Patuloy ko po kayong inaanyayahan na palalimin ang debosyon sa ating Mahal na Ina lalo na ang ating bansa ay tinatawag na Pueblo Amante de Maria o isang bayang umiibig kay Maria; at patuloy nating ialay kay Hesukristo ang ating mga sarili sa pamamagitan ni Maria,” pahayag ni Lajola sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Lajola na ang pagsasagawa ng misa nobenaryo, prusisyon at iba pang liturgical activities sa karangalan ng Mahal na Birhen ay paghahayag ng paggalang, pagmamahal at pagpaparangal sa ina ni Hesus at tagapamagitan ng tao sa bugtong na Anak ng Panginoon.

Matagumpay ang isinagawang ‘Pagsungko ni Ina’ motorcade procession sa mga parokyang sakop ng Vicariate of Our Lady of Loreto ng Archdiocese of Manila na dinaluhan ng mga deboto ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia na nakabase sa kalakhang Maynila.

Ito na ang ikatlong taon ng pagsasagawa ng motorcade procession sa imahe ng patron ng Bicol region na unang ginanap noong September 2020 habang umiiral ang lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Pinasalamatan ni Lajola ang mga dumalo sa prusisyon at tiniyak ang patuloy na panalangin sa Panginoon sa tulong ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia.

“Sa lahat pong nakidalo at nakiisa sa ‘Pagsungko ni Ina’ ang motorcade procession na ating ginawa sa loob ng bikaryato ng Our Lady of Loreto maraming salamat po sa pagpapakita ng inyong maalab na pagmamahal at pagdedebosyon sa ating Mahal na Ina Nuestra Señora de Peñafrancia…patuloy po namin kayong sinisiguro ng aming mga panalangin at nawa ang Mahal na Ina ang magbantay at mangalaga sa inyong mga pamilya,” dagdag pa ni Lajola.

Kabilang sa mga simbahan at lugar na dinalaw ng imahe ng Mahal na Ina at Divino Rostro ang Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto; Shrine of Saint Anthony of Padua; San Roque de Sampaloc Parish; Nuestra Senora del Perpetuo Socorro Parish; Santisimo Rosario Parish; Nuestra Senora de Salvacion Parish; Our Lady of Fatima Parish; Sacred Heart of Jesus Parish; at ang Manila City Hall.

Bukod kay Lajola nagsilbing priest in-charge din ng pagdiriwang si Bicolano priest Fr. Joebert Fernandez, guest priest ng Balic-balic Church at Spiritual Director ng mga pamilyang deboto ng Our Lady of Peñafrancia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,056 total views

 18,056 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,070 total views

 68,070 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 63,939 total views

 63,939 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,956 total views

 99,956 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 107,704 total views

 107,704 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top