Coco levy fund, ibigay na sa coconut farmers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 388 total views

“Gamitin ang pondo ng Coco Levy para sa kapakanan ng mga magniniyog.”

Iginiit ni dating CBCP – president at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na huwag ipagkait sa mga magniniyog ang kanilang benepisyo na matagal na nilang ipinaglalaban na hinarang at pinigil naman ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Pahayag pa ni Arcbishop Cruz marapat lamang ang ginawang pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit sa P74 na bilyong pisong coco levy fund na ilalaan para sa mga magniniyog at kanilang pamilya.

Sinabi pa ni Archbishop Cruz tinutupad lamang ni Pangulong Duterte ang kaniyang naging pangako noong eleksyon sa mga magniniyog na hindi nito hahayaang mapasakamay ng pribadong sektor ang kanilang benepisyo.

Nauna na rin aniyang pinaniniwalaang ginamit ni Danding Cojuangco Jr., na tiyuhin ni dating Pangulong Aquino, ang naturang pondo upang makuha ang simpatya ng United Coconut Planters Bank, San Miguel Corporation at iba pang negosyante.

“Kaya yung coco levy fund ay for the good of the coconut farming and farmers. Kaya yun ang dahilan niyan, kaya sana huwag gamitin para sa iba kundi gamitin talaga sa kinauukulan at kung saan kinuha dun ibalik sa pamamagitan ng benepisyo. Kung coco levy funds ay ibibigay mo gagamitin mo sa iba yun ay isang pagnanakaw, yun ay pagkuha ng pera na hindi marapat gawin sapagkat yung perang yun ay intended for certain objectives. Sige yung coco levy funds ay for coco levy farmers and for the good of the coconut industry,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas.

Magugunitang nuong 2015 ay pinigil ng Korte Suprema ang implementasyon ng Executive Orders 179 at 180 na inisyu ng dating Pangulong Aquino na may kinalaman sa coconut levy fund.

Nabatid na 3.5 milyon hanggang 4.5 milyon ang mga magsasaka na napapabilang sa pinakamahihirap sa bansa.

Samantala, noong Abril taong kasalukuyan ay inialay ni Pope Francis ang kanyang prayer intention sa mga magsasakang sinasamantala ng mga kapitalista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 8,053 total views

 8,053 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 8,053 total views

 8,053 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 121,874 total views

 121,874 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 144,755 total views

 144,755 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 165,326 total views

 165,326 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 224,099 total views

 224,099 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top