Santo Rosaryo, nagpapalago sa buhay pananampalataya ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,328 total reads

Iginiit ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang santo rosaryo ay isang paraang magpapalago sa buhay pananampalataya ng tao.

Ito ang pagninilay ng Cardinal sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo sa Santissimo Rosario Parish sa University of Santo Tomas.

Ipinaliwanag ng Kardinal na pinagninilayan sa banal na rosaryo ang buhay ni Hesus mula sa pagsilang hanggang sa kanyang muling pagkabuhay na sagisag ng katubusan ng tao sa kasalanan.

“The rosary is a school of faith because it contains the contemplation of the life of Jesus through the eyes and heart of Mary,” bahagi ng pagninilay no Cardinal Advincula.
Sinabi ng cardinal na tinuturuan ng Mahal na Birhen ang tao sa pananalangin, pagiging matiyaga at matapat sa buhay panalangin tulad ng mensahe nito sa mga pagpapakita sa Lourdes at Fatima.

Iginiit ni Cardinal Advincula na sa pamamagitan ng santo rosaryo ay mapapalalim ng tao ang ugnayan sa Panginoon at magpapalago sa pananampalataya.

“We need faith because faith encourage us to follow the Lord and to do our mission. By faith, God gives us the courage to face the challenges of mission and without faith we may easily give up when difficulties come our way,” saad ng cardinal.

Binigyang diin ng arsobispo na ang taong may matibay na pananalig sa Diyos ay hindi natitinag sa anumang hamong kakaharapin bagkus ay buong pananalig nitong ipinagkatiwala sa Panginoon ang bawat suliranin.

Una nang ideneklara ng simbahan sa Pilipinas ang buwan ng Oktubre bilang rosary month bilang pagpaparangal sa kapistahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary tuwing October 7.

Batay sa Catholic tradition ang banal na rosaryo ay itinatag ng Mahal na Birheng Maria kung saan nagpakita ito kay St. Dominic noong ika – 13 siglo at nagbigay ng rosaryo kasabay ng kahilingang dasalin ang ‘Hail Mary, Our Father at Glory Be’ sa halip na usalin ang salmo o mga awit.

Si St. Dominic ang tagapagtatag ng Order of Preachers o Dominicans at ang orihinal na rosaryo nito ay may 15 decades.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 18,829 total reads

 18,829 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 38,329 total reads

 38,329 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,003 total reads

 78,003 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 112,131 total reads

 112,131 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 168,536 total reads

 168,536 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top