Sama-samang pagrorosaryo ng mga kawani RCAM, pinuri ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,072 total reads

Ikinagalak ng opisyal ng Archdiocese of Manila ang matagumpay na paglunsad sa sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo ng mga kawani ng arkidiyosesis.

Ayon kay Fr. Sanny De Claro, Episcopal Vicar for Lay Employees ng arkidiyosesis ito ang kauna-unahang pagkakataon na isasagawa ang pagbubuklod sa panalangin ang mga kawani.

“Nagalak ang puso ko katulad ng Mahal na Birhen kasi for the first time lahat ng empleyado ng Archdiocese of Manila nagsama-sama kami para magdasal ng banal na rosaryo, its only Mary who can gather this, lalo na sa panahon ngayong kailangan talaga ang debosyon natin sa banal na rosaryo” pahayag ni Fr. De Claro sa Radio Veritas.

Matapos ang santo rosaryo sinundan ito ng Banal na Misa na pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula kasama ang mga pari ng arkidiyosesis.

Sa homiliya ng arsobispo sinabi nitong maituring na ‘compendium’ ng bibliya ang santo rosaryo sapagkat inilalahad dito ang buhay ni Hesukristo mula pagsilang hanggang sa muling pagkabuhay.

Sinabi ng cardinal na tinuturuan ng Mahal na Birhen ang tao sa pananalangin, pagiging matiyaga at matapat sa buhay panalangin tulad ng mensahe nito sa mga pagpapakita sa Lourdes at Fatima.

Iginiit ni Cardinal Advincula na sa pamamagitan ng santo rosaryo ay mapapalalim ng tao ang ugnayan sa Panginoon at magpapalago sa pananampalataya.

Kinilala naman ni Fr. De Claro ang Radio Veritas na katuwang ng simbahan sa pagsusulong sa debosyon ng Santo Rosaryo kabilang na ang pagsahimpapawid na mapakinggan ng mas malawak na pamayanan.

Iginiit ng pari ang kahalagahan ng pagbubuklod sa santo rosaryo tungo sa mas maayos na lipunan.

“We pray the rosary as a family, as a community as a group, individual or as an institution and this will be a better world when we pray the rosary,” ani Fr. De Claro.

Lumahok sa pagdiriwang ang isanlibong kawani at volunteer’s ng Archdiocese of Manila kabilang na ang kawani ng mga parokya, institusyon at mga seminaryo.

Ginanap ang sama-samang pagdarasal ng santo rosaryo sa Manila Cathedral sa harap ng nakadambanang imahe ng Our Lady of Holy Rosary La Naval De Manila.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,471 total reads

 16,471 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,346 total reads

 34,346 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,234 total reads

 74,234 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,361 total reads

 108,361 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,767 total reads

 164,767 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top