Unawain at kalingain ang mga dumaranas ng mental health problem

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 710 total reads

Unawain, kalingain, at bigyang-panahon ang mga nakakaranas ng pagkalumbay at pagkabalisa sa buhay.

Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto bilang pakikiisa sa paggunita sa National Mental Health Week ngayong taon.

Ipinayo ni Bishop Presto na sikaping kumustahin ang kapwa lalo na ang mga nakakaranas ng mental health problem dulot ng iba’t ibang suliranin at krisis na nagaganap sa kapaligiran.

“Ating bigyang pansin ang iba’t ibang kalagayan ng ating mga kamag-anak, kapitbhay o kaibigan na dumaranas ng mental health issues. Mahalaga ang pang-unawa, pagkalinga, at pagbibgay-panahon para sa kanila,” pahayag ni Bishop Presto sa Radio Veritas.

Batid ng Obispo na karamihan sa mga tao ay mababaw lamang ang pagtingin o kulang pa ang kaalaman sa mga usaping may kinalaman sa kalusugang pangkaisipan.

Kaya naman, hinimok ni Bishop Presto ang publiko na subukang magbasa o manuod ng mga impormasyong magbibigay kaalaman sa pagtugon sa kapwa o sarili sakaling makaranas ng mental health problem.

Hinikayat din ng Obispo ang bawat isa na huwag mahihiyang lumapit sa kaibigan na handang makinig at dumamay, lalo’t higit ang pananalangin sa Panginoon upang malagpasan ang anumang kinakaharap na pagsubok sa buhay.

“Kung sakali man na tayo ay makaranas ng ganitong kalagayan, mahalagang lumapit tayo sa kakilala na puwedeng makatulong sa atin. Higit sa lahat ay mailapit natin sila sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal ng ating kalagayan,” ayon kay Bishop Presto.

Sa kanyang mensahe sa paggunita ng World Mental Health Day, iginiit ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang kalusagang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan.

Batay sa pagsusuri ng World Health Organization Special Initiative for Mental Health noong 2020, aabot sa 3.6-milyong Pilipino ang dumaranas ng isang uri ng mental, neurological, at substance use disorder.

August 25, 1994 nang ideklara ng dating Pangulong Fidel Ramos ang ikalawang linggo ng Oktubre bilang National Mental Health Week.

Tema naman ngayong taon ang “Make Mental Health and Well-being for All a Global Priority”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 110,124 total reads

 110,124 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 154,551 total reads

 154,551 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 204,304 total reads

 204,304 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 363,501 total reads

 363,501 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 385,515 total reads

 385,515 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 190,734 total reads

 190,734 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top