AI, mapanganib kung gagamitin sa mis-communications

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,144 total reads

Inihayag ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communications na kinilala simbahan ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa lipunan.

Ayon kay Radio Veritas Vice President, AOC Director Fr. Roy Bellen, biyaya ng Panginoon ang mga pag-unlad tulad ng ‘artificial intelligence’ na maaring gamitin ng simbahan sa pagpapaigting ng ebanghelisasyon gamit ang media.

“Ang Artificial Intelligence gaya ng maraming bagay na na-imbento sa mundo we still acknowledge ito ay grasya at biyaya ng Diyos. Katunayan ito mismo ang diwa ng Inter Mirifica yung unang dokumento na inilabas about social communications ng Vatican 2, na lahat ng means of communications ay regalo ng Diyos sa atin para magampanan ang ating tungkuling ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng dako ng mundo,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng opisyal ay kaugnay sa pagdiriwang ng simbahan ng 58th World Day of Social Communications sa May 12 kung saan pinagnilayan ng simbahan ang temang ‘Artificial Intelligence and the Wisdom of the Heart: Towards a Fully Human Communication.’

Batid ni Fr. Bellen na katulad ng ibang bagay ang AI ay isang biyaya kung ito ay ginagamit sa wasto at mabuting pamamaraan subalit ito rin ay banta at mapanganib kung gagamitin para sa ikasisira ng kapwa at lipunan.

“Isa po ang AI sa mga bagong teknolohiya na ginagamit even sa media gaya po ng ibang teknolohiya ito ay maaring gift o maaring maging curse o sumpa kaya napakaimportante na ang gumagamit ng ganitong mga bagay ay mga taong mayroong formation, magandang conscience and of course may sapat na kaalaman paano ito gagamitin,” saad ni Fr. Bellen.

Tinuran ni Fr. Bellen na ang pagdiriwang ng simbahan sa World Social Communications Day ay pagkakataong paalalaahanan ang bawat isa na mas palawakin ang kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang matiyak na ito ay magamit sa kabutihan.

“This World Comm Day is a reminder at the same time it’s an encouragement na sana continue to form our conscience and hone our skills,” sabi ng opisyal.

Ibinahagi ni Fr. Bellen na ang Social Communication practitioner’s ng mga parokya ng arkidiyosesis ay sumailalim sa taunang updates, trainings at formation program hindi lang para skills training kundi mahubog ang espiritwalidad sa tunay na misyong gagampanan sa simbahan na pagpapahayag ng pananampalataya.

Una nang sinabi ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communications na hindi dapat umasa ang tao sa paggamit ng AI lalo’t may kakayahan itong mamanipula ang pagkakilanlan ng isang indibidwal tulad ng pagkopya sa itsura at boses.

Iginiit ni Bishop Maralit na mas may kakayahan ang tao na mag-isip para ikabubuti ng kapwa at buong pamayanan.

Batid ng simbahan ang mabubuting dulot ng pag-usbong ng teknolohiya tulad ng A.I subalit paalala nito sa mamamayan ang ibayong pag-iingat sa paggamit nito dahil maaring magdulot ito ng panganib at kapahamakan ng sinuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 94,513 total reads

 94,513 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 130,476 total reads

 130,476 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 164,608 total reads

 164,608 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 221,014 total reads

 221,014 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top