86,934 total views

Ang kalidad ng hangin ay isang seryosong usapin. Malaking hamon ito – tinatayang mga 92% ng populasyon sa Asya at Pasipiko ay exposed sa mga mapanganib na epekto ng maruming hangin. Sa Pilipinas, may pag-aaral na nagsasabi na ang air pollution ang dahilan ng 66,230 deaths sa ating bansa noong 2019.

Ironic, diba, kapanalig. Ang ating bansa ay isang arkipelago, at dapat sana ay malinis ang ating hangin. Pero dahil sa mabilis na urbanisasyon, industriyalisasyon, at pagdami ng populasyon, nagiging mahirap para sa atin na panatilihing malinis ang ating hangin.

Ang transportasyon ay isa sa mga pangunahing sanhi ng polusyon sa ating bansa. Ang mga lumang sasakyan, kawalan ng sapat na regulasyon sa emisyon, at pagsikip ng trapiko ay nagdudulot ng mataas na antas ng mga pollutants tulad ng nitrogen dioxide, carbon monoxide, at particulate matter na may malubhang epekto sa kalusugan.

Bukod sa transportasyon, ang mga industriya tulad ng coal-fired power plants at pabrika ay naglalabas din ng mga mapanganib na kemikal sa hangin. Ang pagsunog ng basura at mga kaingin ay pinagmumulan din ng polusyon na nagiging sanhi ng haze o smog sa ilang mga lugar, lalo na sa mga urbanized na lungsod.

Marami tayong mga hakbang na maaaring gawin upang mapabuti ang kalidad ng hangin sa bansa. Ang pagpapatupad ng Clean Air Act ng 1999 ay isang hakbang patungo sa tamang direksyon. Layunin nitong mabawasan ang emisyon ng mga mapanganib na kemikal mula sa mga sasakyan at industriya. Gayunpaman, may mga hamon pa rin sa implementasyon ng batas na ito, tulad ng kakulangan ng monitoring systems at mahigpit na enforcement. Liban dito, maaari rin tayong magsulong ng ilang mga initiatives, gaya ng pagtataguyod ng green spaces at mas mahusay na pampublikong transportasyon.

Kapanalig, direkta ang epekto ng maruming hangin sa ating kalusugan, kaya’t kailangan nito ng agarang atensyon at aksyon. Banta ito sa kalusugan at buhay ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mas mahigpit na regulasyon, epektibong implementasyon ng mga batas, at masusing pagsubaybay, mas mapapabuti natin ang kalidad ng hangin sa bansa. Kapag ating pangangalagaan ang hangin, aalagaan din tayo nito. Ayon nga sa Caritas en Veritate: The way humanity treats the environment influences the way it treats itself, and vice versa.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GAME OF CHANCE

 19,329 total views

 19,329 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 34,880 total views

 34,880 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 48,242 total views

 48,242 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 62,927 total views

 62,927 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 80,316 total views

 80,316 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga layko, pinasasalamatan ng simbahan

 1,523 total views

 1,523 total views Ipinaabot ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino ang pasasalamat ng Simbahan sa mga layko. Ayon sa Pari na

Read More »

RELATED ARTICLES

GAME OF CHANCE

 19,330 total views

 19,330 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 34,881 total views

 34,881 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 48,243 total views

 48,243 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 62,928 total views

 62,928 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 80,317 total views

 80,317 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 119,357 total views

 119,357 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 126,011 total views

 126,011 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 123,362 total views

 123,362 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 123,406 total views

 123,406 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 120,124 total views

 120,124 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »
Scroll to Top