VeritasPH

The Word, The Truth

 420 total views

Homiliya para sa Ika-pitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 20 Pebrero 2022, Lukas 6:27-38

Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin.

Mas madali ang gumanti, ang magnasa na ipalasap sa kaaway ang pagdurusang pinalasap niya sa iyo. Mas madali ang rumesbak, ang mamuhi, ang magpadala sa galit sa ginawa sa iyo ng kaaway. Ang manakit kapag tayo ay nasaktan, ang manghusga kapag tayo ay hinusgahan, ang mang-atraso kapag tayo’y inatraso, ang magtanim ng galit sa puso at magsabing, LINTIK LANG ANG WALANG GANTI, MAY ARAW KA RIN, MAKIKITA MO ANG HINAHANAP MO, GAGAPANG KANG PARANG UOD PAGDATING NG PANAHON. Sinasabi mo pa lang, hindi pa man nangyayari, parang masarap pakinggan, di ba?

Ganyan daw kasi talaga ang galaw ng mundo. Iyan ang tinawag ni Newton na THIRD LAW OF MOTION. Di ba minemorize pa nga natin iyan sa ating General Science sa elementary school? “For every action, there is an equal opposite reaction.” Paano ba sasabihin iyan sa Pilipino? “Ang bawat galaw ay may katumbas na pasalungat na galaw.” Ang opposite reaction ng taong binusabos ay mambusabos, tama? Mali, sabi ni Hesus.

Bakit? Hindi naman tayo materyal lang, tayo’y tao, tayo’y mga sumasakatawang-diwa, tayo’y mga espiritwal na nilalang, may likas na marangal dahil hiningahan tayo ng Maykapal, ayon sa Kasulatan, kalarawan daw tayo ng Diyos na lumikha sa atin.

Bakit tinuturuan tayo ng Panginoon na huwag magpadala sa udyok na gumanti sa kaaway? Dahil bumababa ka sa level niya pag ginawa mo iyon. Imbes na mabago mo siya, nababago ka niya, hanggang pareho na lang kayo. Walang natutuwa sa ganyang paraan kundi si Satanas dahil paraan niya iyan. Ayaw niyang matulad tayo sa Diyos. Gusto niyang matulad tayo sa kadimonyuhan niya.

Kapag nang-abuso ka dahil inabuso ka, parang tuluyan mo nang isinusuko ang anumang dangal na natitira sa iyo sa umabuso sa iyo. Nabiktima ka na nga, nadodoble pa ang pagka-biktima mo kapag ginaya mo siya. Iyan naman ang karaniwang pinanggagalingan ng mga “bully” sa mundo, binully din kasi sila. Kaya gawain ng mga bully ang mang-udyok, ang lumaban sa paraan nila, ang tumulad sa kanila.

At dito ina-apply ni Hesus ang traditional GOLDEN RULE. Di ba ginawang kanta iyon na pinasikat ni Rico Puno? “Kung ano ang di mo gusto, huwag gawin sa iba.” O sa simpleng salita, bakit ko gagawin sa kanya ang mismong bagay na ayaw kong gawin nila sa akin, o ang masama na ginawa sa akin?

Napansin ba ninyo, hindi naman sinabi ni Hesus “Huwag manghusga at hindi ka huhusgahan.” Ang sabi niya, “Itigil ang panghuhusga at hindi ka huhusgahan.” ITIGIL ITO. “Law of Motion” nga kasi iyan. Pag sinimulan mo, tuloy-tuloy na, nagiging perpetual motion—for every action merong equal opposite reaction, paikot-ikot, paulit-ulit, vicious cycle ang tawag sa Ingles. Ang sinaktan, mananakit. Ang binusabos gaganti. Ang namatayan ay papatay. Ganyan ang prinsipyo ng RIDO sa ilan sa mga tribal culture. Sinimulan mo iyan, edi ituloy natin hanggang magkaubusan na tayo ng lahi!

Kaya hindi kuntento si Hesus sa traditional golden rule. Kaya nga ginawa niyang positive ang formulation ng golden rule: “Do unto others what you want others to do unto you.” Iyun ang mas tamang law of motion—ang kabutihan na ginagantihan ng higit pang kabutihan. Gawin mo sa iba ang gusto mo ring gawin nila sa iyo.

Para kay Hesus, masyadong minimal ang negative golden rule. Kaya nga may mga taong ang katwiran ay, “Basta wala akong ginagawang masama, okey na iyon.” Okey iyon, pero hindi pa lubos na okey. Baka wala ka ngang ginagawang masama pero wala rin namang ginagawang mabuti. Wala pang motion doon.

Ano ang gagawin sa mga mamamatay-tao? Sa mga magnanakaw? Sa mga sinungaling? Ano ang ibig sabihin ng “mahalin sila?” Hahayaan na lang sila sa ginagawa nilang hindi tama? Hindi pagmamahal ang tawag doon, kundi pangungunsinti, pagiging enabler. Itigil ang pagpapatuloy ng galaw ng kasamaan hindi sa pamamagitan ng kasamaan, kundi sa pamamagitan ng kabutihan. Kaya nga pati ang penology ngayon o ang prinsipyo tungkol sa imprisonment ay restorative justice.

May isang libro na sumikat noon sa mga peace advocates, ang “Pedagogy of the Oppressed”. Isinulat ng awtor na Brazilian na si Paulo Freire. Ayon sa kanya, ang mga inaapi ay may tendency daw sila na gayahin ang umaapi sa kanya. Ayon sa kanya, walang tunay na paglaya o liberation kapag ang dating alipin ay siya naman ang mang-aalipin bukas. Di ba sinabi rin iyan ni Jose Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo?

Nagiging lubos lang ang paglaya kung ang ititigil ng pinalaya ay ang mismong gawain ng pang-aalipin. Hindi tayo lalaya kung padadala tayo sa udyok ng galit at hinanakit, katulad ng nangyayari ngayon sa social media. Hindi tayo makapagtatayo ng isang maayos at matatag na lipunan sa pundasyon ng galit at hinanakit.

Sa kasamaang palad hinanakit ang nagiging pundasyon ngayon ng mga tipong nagtatagumpay na mga pulitiko sa pamamagitan ng propaganda nila sa social media. Ang mapaniwala ang tao na walang ibang paraan kundi ang unahan, iligpit, patayin, ang itinuturo niyang sanhi ng lahat ng ating mga problema. Isang paraan na nagpapababa sa ating pagkatao, hindi talaga nagpapalaya.

Tama pa rin naman ang law of motion ni Newton kung ang simula ng galaw ay kabutihan. Ang ganda ng paliwanag dito ni San Pablo sa Romans 12, 20-21: “Kung nagugutom ang kaaway, pakanin mo siya. Kung nauuhaw, painumin mo siya. Sa ganoon, mapapahiya siya sa sarili. Huwag padadaig sa masama. Sa halip, daigin ng mabuti ang masama.” Ganito ang nangyari noon sa EDSA People Power. Noong tumiwalag sa diktadura ang mga nagrebeldeng militar, nakahandang magpaputok ang mga sundalo sa magkabilang kampo ngunit sumugod din ang mga tao sa kalsada at pumagitna sa kanila. Nagdala sila ng pagkain at inumin, nagrosaryo, nagdasal, kumanta. Bulaklak ang katapat ng armas. Kaya napatigil nila ang pagputok ng mga baril na muntik nang humantong sa isang madugong giyera sibil.

Kapag may ginawang masama ang anak at sinaway siya ng magulang, pag-ibig iyon. Kung minsan ang galit ay pagibig din. Pag-ibig sa anyo ng malasakit sa minamahal dahil gusto mo siyang mapabuti kaya galit ka sa ginagawa niyang masama. Napakahalagang prinsipyo ng pag-ibig sa kaaway ang pagsusumikap na papanagutin ang kaaway, na mabigyan siya ng pagkakataong maituwid ang pagkakamali, na mapaunlad ang pagkatao niya, na maturuan siyang magpakumbaba at umamin sa pagkakamali, pagsisihan ito, ang kumpunihin ang kasiraang naidulot.

Ang patawad ay nagmumula sa radikal na pag-ibig ng Diyos na hindi sumusuko. Galit sa kasalanan, ngunit hindi namumuhi sa nagkasala. Mabilis makipagkasundo at magpatawad sa sinumag handang umamin, magsisi at magtuwid ng pagkakamali.

Ito ang paraan ni Hesus na tinawag niyang bagong kautusan. Minsan naiisip ko, paano bang bago ang kautusang ito kung nandoon din naman siya sa Lumang Tipan? Hindi naman bago ang kautusang magmahal sa Diyos at sa kapwa. Dati na iyan. Ang tunay na bago ay ang UMIBIG SA ISA’T ISA, GAYA NG PAG-IBIG NI KRISTO SA ATIN. Pag-ibig na nangangarap ng mabuti hindi lang para sa sarili, kundi para sa kapwa, para sa bayan, para sa lipunan, para sa daigdig. At si Kristo ang huwaran natin dito.

Ito ang tamang Law of Motion ayon kay Hesus, ang tamang Golden Rule—gawin sa kapwa ang ibig mong gawin ng kapwa sa iyo. Di ba ginawang panalangin iyon si Saint Francis para sa mga ibig maging Daan ng Kapayapaan? “Sa pagbibigay, tayo ay nabibigyan. Sa pagpupuno, tayo’y napupunuan, sa pag-aalay ng buhay tayo ay nagkakamit ng walang hanggang buhay.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 14,308 total views

 14,308 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 22,293 total views

 22,293 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 29,829 total views

 29,829 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 45,814 total views

 45,814 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 53,858 total views

 53,858 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 419 total views

 419 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,174 total views

 3,174 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,589 total views

 7,589 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,915 total views

 2,915 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,438 total views

 3,438 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,937 total views

 4,937 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,781 total views

 5,781 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,036 total views

 4,036 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,249 total views

 8,249 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,482 total views

 7,482 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,692 total views

 11,692 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,140 total views

 5,140 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,144 total views

 5,144 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,144 total views

 5,144 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,136 total views

 5,136 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top