Apat na Filipino Bishops sa US, dadalo; Ikalimang Filipinong Obispo sa Amerika, oordinahan sa May 31

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,136 total reads

Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31.

Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan sinabi nitong isang biyaya ng pananampalataya lalo na sa mga Pilipino na patuloy ang pagyabong ng misyon makalipas ang 500 taon ng kristiyanismo sa Pilipinas.

Sinabi ni Fr. Gaston na ginagampanan ni Bishop-elect Bersabal ang pagiging katuwang sa ebanghelisasyon ng simbahan nang ipadala ito sa Amerika mula sa Archdiocese of Cagayan De Oro para tulungan ang Diocese of Sacramento.

“It is a big blessing that Filipinos all over the world not only maintain their faith but also become agents of evangelization. In Sacramento, they are very much incorporated in the local parishes, contributing their Filipino traditions as well,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Bitbit ni Fr. Gaston ang ‘zucchetto’ o ‘skull cap’ galing Roma na ibinigay kay Bishop-elect Bersabal mula kay Fr. Coke Prieto ng Archdiocese of Cagayan De Oro na kasalukuyang nag-aaral sa Roma.

Sinabi pa ng pari na dadalo sa ordinasyon ang apat na Filipinong Obispo sa Amerika na sina Salt Lake Bishop Oscar Solis, Los Angeles Auxiliary Bishop Alejandro Aclan, El Paso Auxiliary Bishop Anthony Celino, at Philadelphia Auxiliary Bishop Efren Esmilla.

Inaasahan din ang pagdalo ni Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo at tatlo pang cardinal kasama na si Papal Nuncio to the US Cardinal Cristophe Pierre.

Isasagawa ang episcopal ordination sa Cathedral of the Blessed Sacrament ng Diocese of Sacramento na dadaluhan din ng humigit kumulang 200 mga pari ng diyosesis kung saan 47 rito ay mga Pilipino.

Una nang pinuri ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan ang pagtalaga ni Pope Francis kay Bishop-elect Bersabal kasabay ng pagtiyak ng mga panalangin sa bagong misyong gagampanan na maging katuwang ni Bishop Jaime Soto sa pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 92,504 total reads

 92,504 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 128,556 total reads

 128,556 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 162,688 total reads

 162,688 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 219,093 total reads

 219,093 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top