Archdiocese ng Lipa, tiniyak ang pagpapairal ng health protocol laban sa Covid-19

SHARE THE TRUTH

 462 total views

September 25, 2020-1:40pm

Tiniyak ng Arkidiyosesis ng Lipa na susunod ang simbahan sa mga panuntunan ng community quarantine na ipinatutupad ng pamahalaan.

Sa pahayag ng Commission on Health Care ng arkidiyosesis nakipagkasundo si Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa Sangguniang Panlalawigan ng Batangas bilang kasisa sa paglaban na maiwasang pagkalat ang corona virus sa lalawigan.

“The Archdiocese of Lipa headed by His Excellency Most Reverend Gilbert Garcera entered into a bilateral understanding last March 16, 2020 with Honorable Hermilando Mandanas, Governor of the Province of Batangas, to help prevent the spread of COVID-19,” bahagi ng pahayag na ipinadala sa Radio Veritas.

Ang paglilinaw ng arkidiyosesis bilang tugon sa pahayag ni Lipa Archbishop-emeritus Ramon Arguelles sa ginanap na misa na hindi na kinakailangan ang facemask, face shield at ang physical distancing sa paglaban sa COVID-19 kundi ang pananalig at pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan ang maghihilom sa anumang karamdaman.

Dagdag pa ng arkidiyosesis na mahigpit din ang pagpapatupad ng safety health protocol sa mga simbahan at iba’t ibang Catholic institution sa Batangas upang maiwasan ang paglaganap at pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

“Since then, enshrined in the Oratio Imperata (obligatory prayer) recited during Masses, the Archdiocese has been very vigilant and supportive in implementing all safety and health protocols in parishes, schools and other Catholic institutions as prescribed by the provincial government and the COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF),” dagdag ng arkidiyosesis.

Batay sa tala ng lalawigan halos nasa 6, 000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lugar kung saan sa bilang 3, 223 ang gumaling habang 153 ang nasawi.

Paglilinaw pa ng arkidiyosesis na anumang pahayag na makalalabag sa kasunduan ng simbahan at pamahalaan ay hindi kumakatawan sa buong arkidiyosesis.

“The Archdiocese of Lipa cordially informs that any assertion or opinion by any individual contrary to the provisions of the bilateral understanding does not represent the mind of the whole Archdiocese.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,406 total views

 82,406 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 93,410 total views

 93,410 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 101,215 total views

 101,215 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,388 total views

 114,388 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,733 total views

 125,733 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 12,824 total views

 12,824 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top