Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Awit ng pasasalamat at papuri sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

 394 total views

Ito ang naririnig na himig sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City sa Liveloud 2017 Catholic Worship Concert na inorganisa ng Couples for Christ (CFC) katuwang ang youth arm nitong Youth for Christ (YFC).

Naniniwala si CFC-YFC International Coordinator Lawrence Quintero na magandang pagkakataon ang ginanap na konsiyerto upang alalahanin ang kadakilaan ng Diyos sa saliw ng mga masisiglang tugtugin na pasok sa panlasa ng mga mananampalataya partikular na sa mga kabataan.

“Music ang hilig ng mga kabataan ngayon kaya napakaimportante ng ganitong mga pagtitipon dahil habang kumakanta ka kasama ‘yung mga kabarkada mo ay naaalala mo ang kabutihan ng Panginoon at ang pagmamahal ng Diyos sa bawat isa. While we worship our God, it is a time for us to remember His goodness and faithfulness,” pahayag ni Quintero.

Kaugnay nito ay hinihikayat ni Quintero ang bawat kabataan na maging matatag sa gitna ng mga tukso sa pamamagitan ng paglapit sa simbahan na nagpapaalala ng presensya ng Panginoon at pagtanggap sa pag-ibig ni Kristo na nagligtas sa sangkatauhan.

“Napakachallenging kapag pinag-uusapan ang kabataan, ang dami nilang gustong i-try kaya si Satanas ay napakarami n’yang paraan din para ipasok ang nais na pagpatay ng ating pananampalataya. Maraming pagsubok ang pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon, napakadali silang ma-sway. Pero naniniwala po tayo na that there is greater reality and that is the reality of the love of God that can conquer anyone. Give God a chance na mahalin tayo,” panawagan pa nito.

Sa tala, mahigit 115-libo ang bilang ng YFC members sa buong mundo kung saan 90-libo rito ay mula sa Pilipinas.

Tampok din sa selebrasyon ang pagpapatotoo nina CFC Global Mission Foundation Inc. Fulltime Pastoral Worker Julius Comia at High School-based Sector Youth Head Aira Karen Bravante kung paano binago at mas pinatatag ng Diyos ang kanilang buhay-pananampalataya.

Ang Liveloud 2017 ay dinaluhan ng nasa 16-libong CFC-YFC members na karamihan ay mga kabataan na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang kinse kilometro

 1,022 total views

 1,022 total views Mga Kapanalig, nagsampa ng kaso ang Mercidar Fishing Corporation noong 2023 sa Malabon Regional Trial Court (o RTC) para kuwestuyinin ang pagiging constitutional o sang-ayon sa ating Saligang Batas ang paglalaan ng municipal waters sa mga munisipal at artisanong mangingisda. Hiningi ng korporasyong pahintulutan ang mga commercial fishers na makapangisda sa municipal waters. 

Read More »

Kahalagahan ng fact-checking

 7,470 total views

 7,470 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 14,420 total views

 14,420 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 25,335 total views

 25,335 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 33,070 total views

 33,070 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 77,827 total views

 77,827 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas. Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni

Read More »
Cultural
Veritas Team

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

 93,832 total views

 93,832 total views Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa. Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic. Ipinaliwanag ng Obispo na marami

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kwaresma; Paanyaya sa pagbabalik-loob sa Panginoon

 93,839 total views

 93,839 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ipinipilit ng simbahan sa mananampalataya ang pagsisisi sa mga kasalanan, kundi isang paanyaya sa bawat isa sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ito ang nilinaw ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo o

Read More »
Cultural
Veritas Team

Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

 97,469 total views

 97,469 total views Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding. Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo. Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

 92,630 total views

 92,630 total views Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon. Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pangalagaan ang kalayaan at demokrasya ng Pilipinas, panawagan ng simbahan

 92,816 total views

 92,816 total views Nakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng sambayanan sa ika-50-anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating si Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Office on Stewardship nawa ay pangalagaan ng bawat Filipino ang tinatamasang kalayaan at demokrasya

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 120,186 total views

 120,186 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Cultural
Veritas Team

Distortion of history, pinalagan ng Carmelite Sisters

 92,613 total views

 92,613 total views Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong. Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress

Read More »
Cultural
Veritas Team

CBCP President, humiling ng panalangin sa kaligtasan ng mga nakaranas ng lindol sa Mindanao

 82,772 total views

 82,772 total views Humihiling ng panalangin si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa malakas na lindol na naranasan sa Mindanao. Ayon sa Arsobispo, naramdaman sa Davao City ang malakas na pagyanig na naganap ala-una ng madaling araw. Ibinahagi ng Arsobispo na nagising siya sa malakas na pagyanig kung

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 54,281 total views

 54,281 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal Advincula ang hangarin na maging “Listening Shepherd” sa mga kawan o mananampalataya na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga lalu na ang mga pari, consecrated person at laiko ng Archdiocese of Manila.

Read More »
Cultural
Veritas Team

Radio Veritas back in full operation after lockdown

 43,177 total views

 43,177 total views We continually receive blessings from the Lord amidst the trial of the pandemic, and for this we are daily grateful and thankful. Radyo Veritas, after several days of shifting place of operation from the studio in Quezon city to the transmitter site in Bulacan to do broadcast as effect of several covid cases

Read More »
Cultural
Veritas Team

Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.

 42,525 total views

 42,525 total views Tiniyak ng himpilan ng Radio Veriras 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan. Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan

Read More »
Cultural
Veritas Team

IATF restrictions sa Simbahan, labag sa religious freedom at separation of church and state

 42,552 total views

 42,552 total views Tiniyak ng pinuno ng Arkidiyosesis ng Maynila na ipagpapatuloy ang mga pampublikong misa at mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa maging ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay sa kabila ng inilabas na bagong alituntunin ng Inter-agecny Task Force na pagbabawal sa mga religious mass gatherings dahil sa pagtaas ng kaso ng

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19

 42,286 total views

 42,286 total views Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19. Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19. Kasalukuyang nagpapagaling sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top