Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 290 total views

Homiliya Para sa Linggo ng Pentekostes, Ika-5 ng Hunyo 2022, Juan 20:

Napakadalas ng mga sunog dito sa amin sa tatlong siyudad ng Caloocan, Malabon at Navotas. Kaya sanay na sanay kaming makarinig ng mga sirena ng bumbero. Pinakamadalas na masunugan ang sa mga looban ng mga kabahayan, lalo na ng mga informal settlers. At ang bilis kumalat dahil hindi makapasok ang mga bumbero. Bukod sa makikitid ang mga eskinita punong puno pa ng mga sasakyan na nakaparada. Kaya minsan, minabuti kong pag-aralan ang first aid instructions mula sa mga fire departments para maintindihan kung ano ang dapat tandaan ng mga tao para sa kanilang kaligtasan pag may sunog.

Ang pinakamadalas palang ikamatay ng mga nasusunugan ay hindi naman ang sunog mismo. Madalas marami pa palang pwedeng gawin para maligtas. Ang madalas ikamatay ng mga nasusunugan ay ang usok at biglang pagnipis ng hangin dahil sa kapal ng usok. Nagiging dahilan ito ng pagkahimatay, kaya hindi na makalabas ang tao sa bahay o building na nasusunog kahit malayo pa sa kanya ang sunog.

Ang unang dapat daw na tandaan kapag mausok na ay ang dumapa at gumapang papalabas. Ang usok daw pala ay nasa ibabaw at ang hangin ay nasa ilalim nito, mga ilang dangkal sa ibabaw ng sahig. Kaya kung gagapang ang tao makakahinga pa rin siya at mas may tsansa pa siya para makalabas.

Sa araw na ito ng Pentekostes, parang ito ang eksenang pumapasok sa isip ko sa ginawa ni Hesus sa mga alagad. Para bang nasa gitna sila ng sunog pero dahil sa takot, imbes na lumabas, nagkulong sila sa loob. Isa pang dahilan ito ng pagkapahamak ng marami sa gitna ng sunog, kapag naunahan ang tao ng nerbyos at pagkalito dahil sa panic.

Kaya pala ang unang bati ni Hesus ay PEACE BE WITH YOU! KAPAYAPAAN. Para siyang bumbero na nakapasok sa bahay na nasusunog. Nang makita daw siya ng mga alagad, sila ay labis na natuwa. Sino bang nasusunugan ang hindi matutuwang makita ang bumberong magliligtas sa kanya? At ang unang ginawa daw niya matapos na sabihan silang mapakalma ay HININGAHAN sila. Parang ang iniimagine ko ang isang medic na may dalang oxygen mask na itatakip sa ilong at bibig para makahinga ang kanyang nililigtas. Pero syempre, sa sunog delikadong pumutok ang oxygen tank, kaya, mas mabuti dumapa na lang at gumapang papalabas. Magandang simbolo ng pagpapakumbaba.

Talagang malaki ang nagagawa ng pagpapakumbaba sa tao, sa gitna ng mga trahedya sa buhay. Mas mabilis pumasok ang hangin ng Espiritu Santo sa mga taong marunong dumapa at gumapang upang makahinga nang maluwag.

Sa panahon natin kahit walang sunog, sa tindi ng polusyon na dulot ng tao sa hangin dahil sa carbon emission na epekto ng pagsunog ng fossil fuels panipis nang panipis ang hangin na ating hinihinga. Baka dumating ang panahon hindi lang surgical masks ang susuutin natin kundi plastic masks na nakakabit sa tangke ng oxygen.

Pero ang araw na ito ng Pentekostes ay nagpapaalala sa atin na kung matindi ang pisikal na polusyon na dulot ng kapabayaan natin sa kapaligiran, di hamak na mas matindi ang espiritwal na polusyon sa ating lipunan. Mga toxic na pag-iisip at damdamin na nagdudulot ng mga takot, pangamba, at mga pagdududa. Mga nakalalason na salita at palitan ng comments sa social media, ang malaganap na disimpormasyon at mga pagkakalat na espiritwal na basura sa digital space.

Kapag hinayaan talaga nating masunog ang daigdig at mapuno ng usok ng kasinungalingan at panlilinlang, kapag tuluyan na tayong mawalan ng tiwala sa isa’t isa, talagang trahedya ang kahihinatnan nating lahat.

Ang Espiritu Santo ay ang ating spiritual oxygen na siya lamang magliligtas sa atin sa pagkahimatay sa mga sunog na hinaharap natin sa ating buhay. Para bang inuulit ng Diyos sa Pentekostes ang paglikha sa tao. Kung paanong hiningahan niya noong simula ang putik na si Adan upang mabuhay siya bilang tao, gayundin, hiningahan tayo ng Anak ng Diyos upang makiisa sa kanyang pagkabuhay—lalo na kapag napapaikutan na tayo ng makapal na usok ng masamang Espiritu.

Isa daw sa pinakaunang dulot ng Espiritu Santo sa tao ayon sa ebanghelyo ay ang kakayahang MAGPATAWAD at HUMINGI NG TAWAD. Nakakasikip nga naman ng dibdib ang mga galit at hinanakit. Ibig mong gumanti. Parang di ka matahimik hangga’t hindi mo naipapalasap ang pait na pinalasap sa iyo ng mga may atraso sa iyo.

Sasamantalahin ka pa ng mga negosyanteng nagbebenta ng armas—para papaniwalaan ka na walang magbibigay ng kapayapaan sa iyo kundi baril, katulad ng nangyayari ngayon sa Amerika, at katulad din ng nangyayari sa Europa dahil sa ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine. Bumabalik na naman ang cold war, tagisan ng lakas militar at sandatang nuclear.

Hindi tayo magkakaroon ng tunay na kapayapaan sa mundo kapag nagsara na tayo ng isip at puso sa isa’t isa. Binabaan daw ng Espiritu ang mga alagad ng mga dilang apoy. Matalinghaga ito. Isang palaisipan. Ibig sabihin, kailangan natin matutunan ang linggwahe ng Diyos, linggwaheng matuturo sa atin na makinig, makiramdam, umunawa at magpaliwanag.

May isang lumang kanta tungkol sa Espiritu Santo na angkop na gamitin bilang conclusion para dito sa ating Pentecost reflection:

“Breathe on us, Breath of God, fill us with life anew, that we may love the way you love, and do what you would do.”

“Hingahan mo kami, hininga ng Diyos, punuin mo kami ng bagong buhay, nang kami’y matutong magmahal kung paano mo kami minahal, at gumawa ng ibig mong gawin.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 10,419 total views

 10,419 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 16,392 total views

 16,392 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 22,147 total views

 22,147 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 29,410 total views

 29,410 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 37,394 total views

 37,394 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 716 total views

 716 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 718 total views

 718 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,472 total views

 3,472 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,887 total views

 7,887 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,213 total views

 3,213 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,736 total views

 3,736 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,235 total views

 5,235 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,079 total views

 6,079 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,334 total views

 4,334 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,547 total views

 8,547 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,780 total views

 7,780 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,990 total views

 11,990 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,438 total views

 5,438 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,442 total views

 5,442 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,442 total views

 5,442 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top