Bank depositors sa bangkong pag-aari ng pamahalaan, hinamong manindigan sa MIF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,428 total reads

Hinimok ng opisyal ng Church People’s Solidarity ang mamamayan na naglalagak ng salapi sa mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na magkaroon ng paninindigan kaugnay sa Maharlika Investent Fund o MIF.

Ang MIF bill ay naunang pinagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso at inaasahang lalagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo kasabay ng nakatakdang ikalawang State of the Nation Address o SONA.

Ipinaliwanag ni Fr. Roel Gatchalian ng CWS na bukod sa walang pondo ang gobyerno ay umaabot din sa 14 na trilyong piso ang pagkakautang ng bansa.

“Palagay ko yung mga nagdeposito sa mga bangko na ‘yan dapat din silang magkaroon ng ‘say’. Kasi pera ‘yan, hindi natin alam kung sino-sino ang mamahala ng Maharlika fund.” ayon kay Fr. Gatchalian ng CWS sa panayam ng Verita Pilipinas.

Kabilang sa pinagkasunduan ng dalawang kongreso ang paglalaan ng pondo sa M-I-F na magmumula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, at Land Bank of the Philippines.

Bagama’t isa sa konsolasyon sa isasabatas na panukala ang absolute prohibition na hindi kukunin ang pondo sa Social Security System, Pag-Ibig Fund at Government Service Insurance System (GSIS).

“Maaring meron silang magandang intensyon, pero hindi napapanahon at saka hindi naman yan ang priority. Ang paggagamitan pa naman ng Maharlika investment ang infrastructure, mabagal yan and mabagal din ang return of investment.” dagdag pa ng pari.

Iginiit ng pari na hindi napapanahon ang pagkakaroon ng M-I-F lalo’t mas maraming dapat paglaanan ng pondo ang gobyerno tulad ng food security at karagdagang trabaho para sa mga Filipino.
Hindi rin kumbinsido si Fr. Gatchalian sa urgency ng pagsasabatas ng minadaling panukala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 192,519 total reads

 192,519 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 220,797 total reads

 220,797 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 254,919 total reads

 254,919 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 311,323 total reads

 311,323 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top