Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIR, pinuna ang voluntary tax payments ng social media influencers

SHARE THE TRUTH

 15,776 total views

Binatikos ng isang mambabatas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil umaasa lamang sa boluntaryong deklarasyon ng buwis mula sa mga social media influencers.

Nais ding malaman ni ACT Teachers Rep. France Castro, kung bakit hindi naipapatupd ng maayos ang pangongolekta ng buwis.

“Yung mga nababayarang content creators, are you monitoring if they are paying taxes to our government?” ayon kay Castro sa ginanap na pagdinig ng TriCom kaugnay sa fake news online.

Nilinaw ni Atty. Yves Gonzalez mula sa YouTube na hindi binabantayan ng kanilang platform kung nagbabayad ng buwis ang mga Filipino content creators.

“On the part of YouTube, we do not. And we believe the local internal revenue service are the ones who are monitoring that,” pahayag ni Gonzalez.

Gayunpaman, inamin ng mga opisyal ng BIR na umaasa sila sa self-reporting ng mga influencers dahil ang kanilang kita ay karaniwang nagmumula sa mga foreign payors.

“As stated by our colleague, we rely only on the voluntary declaration of the influencers in so far as their income because there will be great difficulty in monitoring the same considering that their income primarily comes from foreign income payors,” ayon kay BIR Atty. Tobias Gavin Arcilla.

Hindi nagustuhan ni Castro ang sagot ng BIR at tinanong kung bakit ang ahensya ay umaasa lamang sa boluntaryong deklarasyon sa halip na kumuha ng impormasyon mula sa mga social media platforms.

Paliwanag naman ni Arcilla na may mga limitasyon ang ahensya base sa mga umiiral na batas tungkol sa mga imbestigasyon sa buwis.

“Just to clarify, under existing tax laws, we cannot just investigate any taxpayer. As per existing tax laws, audits are done randomly or based on those who are classified as high risk. That is why we cannot just audit any taxpayer,” paliwanag ni Arcilla.

Ipinunto ni Castro na maaaring may mga kakulangan sa sistema ng buwis na dapat tugunan ng Kongreso.

“In aid of legislation, we have to review yung sinasabi ng ating BIR resource person, na wala sa kanilang mandate na ’yung talagang regular ba o random yung kanilang pag-investigate and monitoring,” dagdag pa ni Castro.

Pinuna naman ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang ‘Google’ kung bakit dapat bayaran ang mga vloggers, kaya’t naeengganyo ang marami na gumawa ng mga video’s kahit marami sa mga ito ay naglalaman ng mga hindi kaaya-ayang salita at nilalaman.

“Kasi I’m sure you will agree with me na maraming mga vloggers na para maka-generate ng mapansin, kaya nagmura. In fact, bastos eh. Di ba? “ ayon kay Barbers.

Sa datos ng YouTube, may 500 hours video ang ini-uupload sa Youtube kada minuto.(marian)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 8,647 total views

 8,647 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 23,358 total views

 23,358 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 36,216 total views

 36,216 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 110,485 total views

 110,485 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 166,139 total views

 166,139 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

ConCon, ipinapanawagan ng isang mambabatas

 2,387 total views

 2,387 total views Nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at

Read More »

Sumbong sa Pangulo website, inilunsad

 4,821 total views

 4,821 total views Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Agosto 11 ang “Sumbong sa Pangulo” website—isang online platform kung saan maaaring makita ng publiko

Read More »

Mamamayan, binigo ng Senado

 19,959 total views

 19,959 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »
1234567