160 total views
Ito ang binigyang diin ni Dr. Antonio Torralba – University of Asia and the Pacific Professor, sa isinagawang Servant Leadership, Halalan Forum 2016 ng Radyo Veritas, kaugnay sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng isang pinuno ukol sa mga pangangailangan ng kanyang bayan.
Ayon kay Torralba, matutukoy lamang ng isang pinuno ang ugat ng suliranin ng kanyang bayan kung mayroon itong malinaw na mga matang, nakikita ang lahat ng aspetong pinagmumulan ng kahirapan at katiwalian.
Dagdag pa ni Torralba mahalaga ring salik sa pagkakaroon ng matapat na pinunong naglilingkod, ang pagkakaroon nito ng pananalig at paninindigan sa tamang kaalaman.
“Sa akin pong kaalaman pinanggalingang salita, ang etymology ay wary, e yung wary ay mulat na hindi naman sa hindi ka pipikit, basta kinakailangan ay bukas ang iyong mata at malinis ang iyong mata sa kapaligiran at yung pangalawang salita po ay pananalig, instead of mga kasama ang ginamit na word ay kapanalig, sa aking pag-aaral din ang kapanalig ay isa yun sa mga salin ng faith, yung faith ay pananampalataya at pananalig, at kailangan po yung isang servant leader ay nakasalig sa kanyang kaalaman kasi kung wala syang kaalaman ay wala syang sinasaligan, at hindi sya pwedeng tawaging kapanalig.”Pahayag ni Prof. Torralba sa Radyo Veritas.
Batay sa Pulse Asia Research Inc., sa isinagawang Pulso ng Bayan Survey nitong Enero 2016, 38% ng mga Filipino ang nagsabing kakulangan sa sweldo ng mga manggagawa ang pangunahing suliranin ng Pilipinas na dapat tugunan ng susunod na administrasyon.
Sumunod dito ang paglaganap ng iligal na droga na may 36% boto mula sa sambayanang Filipino, na dapat ding paglaanan ng panahon upang masupil ng pamahalaan.(Yana Villajos