Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buwan ng Hulyo, inilaan ng Diocese of San Pablo na Jubilee month for the Elderly

SHARE THE TRUTH

 498 total views

Inilaan ng Diocese of San Pablo sa lalawigan ng Laguna ang buwan ng Hulyo bilang Jubilee Month for the Elderly sa diyosesis.

Ayon kay Rev. Fr. Manny Labing – Director ng mga samahan ng Apostolado ng Panalangin sa diyosesis, ang deklarasyon ng Hubilehiyo para sa mga lolo, lola at mga nakatatanda ay bahagi ng patuloy na lokal na pagdiriwang ng Diyosesis ng San Pablo sa ika-500
anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

Paliwanag ng Pari ang Jubilee Month for the Elderly ay isang paraan ng pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga lolo, lola at mga nakatatanda sa higit na pagpapalago at pagpapalalim ng pananampalatayang Kristiyano.

“Isang malaking dahilan ang pagpapatuloy ng pananampalataya sa ating tahanan, sa ating pamayanan, at sa lokal na Simbahan ang mga ginampanan ng mga lolo, lola, at ng mga nakatatanda. Kaya naman sa pagpapatuloy rin ng pagdiriwang ng 500 years of Christianity dito sa ating diyosesis itinalaga ang month of July bilang Jubilee for the Elderly.”pahayag ni Fr. Labing.

Kabilang sa mga nakahanay na gawain ay ang pagdarasal ng buong diyosesis ng Nobenaryo para sa Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana bilang patron ng mga lolo, lola at nakatatanda mula ika-17 hanggang ika-25 ng Hulyo at pagbabahagi ng mga pagninilay sa kahalagahan ng mga lolo’t lola at mga nakatatanda sa pagpupunla ng Kristiyanong pananampalataya at pag-uugali sa mga pamilya.

Kasabay naman ng idineklarang First World Day of Grandparents and the Elderly ni Pope Francis sa ika-25 ng Hulyo na Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana ay maggagawad ang diyosesis ng parochial and virtual Blessing for the Elderly.

Ayon kay Fr. Maning, “Ang rurok ng pagdiriwang ng Jubilee Month for the Elderly ay ang Diocesan Recognition ng mga mananampalataya.

Kabilang sa mga maaring mabigyan ng pagkilala na makatatanggap ng certificate at 500 YOC commemorative medal mula sa diyosesis ay ang mga 60-taong gulang pataas na nakapaglingkod sa Simbahan sa loob ng 25-taon o higit pa.

Pangangasiwaan naman ng mga miyembro ng Apostolado ng Panalangin kasama ang mga Parish Pastoral Council ng bawat parokya ang profiling ng mga awardees mula sa iba’t ibang parokya.

Sa buong buwan din ng Hulyo ay itatampok ng diyosesis ang mga promotional videos ng mga Homes for the Aged na matatagpuan sa Diyosesis ng San Pablo sa pamamagitan official facebook page ng diyosesis na ‘500 Years of Christianity – Diocese of San Pablo’.

May apat na Home for the Aged sa diyosesis na kinabibilangan ng Nazareth Bahay Pagibig sa San Pablo, Bahay ni Maria Home for the Abandoned Elderly and Children with Special Needs sa Calamba, Mary Mother of Mercy Home for the Elderly and Abandoned Foundation sa San Pedro, at Divine Mercy Home for the Elderly sa Silangan, Calamba.

Una ng binigyang pagkilala ng Diocese of San Pablo ang mga relihiyoso at relihiyosa na nagtalaga ng kanilang sarili sa pagliingkod sa Simbahan sa pamamagitan ng pagdideklara ng Jubilee Month for Religious Men and Women sa diyosesis noong buwan ng Hunyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,432 total views

 11,432 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,532 total views

 19,532 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,499 total views

 37,499 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,803 total views

 66,803 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,380 total views

 87,380 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 780 total views

 780 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,239 total views

 6,239 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top