Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Canonization ni Blessed Carlos Acutis, magdudulot ng pag-asa sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 21,061 total views

Ikinalugod ng grupo ng mga deboto ni Blessed Carlo Acutis sa Pilipinas ang pag-apruba ng Vatican sa kanyang canonization.

Ayon kay Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines, Chairperson, Christoffer Denzell Aquino, SHMI, napapanahon ang pagkilala ng simbahan sa batang banal lalo’t patuloy ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya na ginagamit ng kasalukuyang henerasyon.

Sinabi ni Aquino na makatutulong ang pagkilala kay Beato Carlo para mabuksan ang kamalayan at mahimok ang mga kabataang tularan ang kanyang gawi na ginamit ang teknolohiya at internet sa pagpapalalim ng pananampalataya lalo na sa Eukaristiya.

“This is, in my humble opinion, the right moment for his canonization since young people are searching for models to imitate. To counteract the influencers who induce people to follow a more secular lifestyle: God through the Church proposes Carlo as a model of Christian holiness in the ordinariness of life,” pahayag ni Aquino sa Radio Veritas.

Aniya ito ay isang biyaya ng simbahan mula sa Panginoon lalo’t kinakailangan ngayon ng mundo ang mga huwarang tulad ni Beato Carlo na ginagamit sa wastong pamamaraan ang makabagong teknolohiya.

Nilinaw ni Aquino na ang pagtalaga ng simbahan sa beato upang makahanay sa mga banal ay paalala sa bawat mananampalataya na ang lahat ng binyagan ay maaring maging banal ng simbahan.

Umaasa ang Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines na ang canonization ni Beato Carlo ay magbigay pag-asa sa mananamapalataya lalo na sa mga kabataan upang gawing makabuluhan ang pamumuhay lalo na sa mundong umuusbong ang teknolohiya at internet.

“May Carlo’s canonization bring a new spark of hope, especially to young people to reexamine their lives and that they may have a more open ear and heart to listen to the voice of God who is constantly calling us towards him,” ani Aquino.

May 23, 2024 nang inanunsyo ng Vatican ang canonization ng beato makaraang aprubahan ni Pope Francis ang isang himala na iniugnay sa kanyang pamamagitan ng gumaling ang 21 taong gulang na si Valeria Valverde, ng Costa Rica dahil sa labis na pinsalang tinamo dahil sa bicyle accident noong 2022.

Hinimok ni Aquino ang mga kabataan na tingnan ang mga gawi ni Beato Carlo na pinaiigting ang pakikipag-ugnay kay Hesus sa pamamagitan ng Eukaristiya, debosyon sa Mahal na Birhen at mga banal.

Kilala si Beato Carlo na internet savvy at ginamit ang kakayahan para gumawa ng Eucharistic miracles exhibit na makikita online sa mga parokya sa buong daigdig na layong patotohanan at ipakilala si Hesus sa Banal na Eukaristiya.

Pumanaw ang beato noong October 12, 2006 sa edad na 15-taong gulang dahil sa leukemia kung saan habang nakaratay ay inialay nito kay Pope Benedict XVI at sa buong simbahang katolika ang kanyang mga paghihirap.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng FBCAP sa Diocese of Malolos ang relic ni Beato Carlo na ex corpore et ex capilis ay kaloob ng Diocese of Assisi at ng Associazione Amici di Carlo Acutis para sa pagpapalago ng debosyon ng batang banal dito sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 44,371 total views

 44,371 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 61,339 total views

 61,339 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 77,169 total views

 77,169 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 169,182 total views

 169,181 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 187,348 total views

 187,347 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top