287 total views
Nagpaabot ng pakikiisa at dasal ang Pangulo ng Caritas Internationalis sa apat na madre ng Missionaries of Charity na pinatay sa Port of Aden,Yemen.
Ipinarating ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pakikiisa at dasal sa mga nasawing madre sa Yemen at sa congregation of Missionaries of Charity na itinatag ni Mother Theresa of Calcutta.
Inihayag ni Cardinal Tagle na hindi dapat maging kampante ang bawat mananampalatayang Katoliko kapag buhay ng tao ang nalapastangan na.
“Ipinaparating po natin ang pakikiisa sa mga madre ng Missionaries of Charity sa kanilang pananalangin sa trahedya sa Yemen. Kailanman hindi tayo dapat maging kampante kapag ang buhay ng tao ay nalalapastangan.”mensahe ni Cardinal Tagle sa pamamagitan ng Radio Veritas
Hinimok din ni Cardinal Tagle ang mamamayan na ipagdasal ang mga taong gumagawa ng hindi mabuti at nakakasira sa kapwa.
Sinabi ng Cardinal na ipinalangin din ang pagbabalik-loob sa Panginoon ng mga taong naliligaw ng landas.
“Ipagdasal din natin ang mga tao na gumagawa ng hindi nakakabuti at nakakasira sa buhay ng kapwa. Ipanalangin natin ang kanilang pagbabalik loob sa Diyos at magkaroon ng paggalang sa kapwa”.panawagan ni Cardinal Tagle
Nauna rito,itinuturing ni Pope Francis ang apat na nasawing madre na “The martyrs of our day”.
Inihayag ni Pope Francis na ang mga madre ay napatay dahil sa “globalization of indifference”.