Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, magbibigay ng financial aid sa mga nasalanta ng bagyong Egay

SHARE THE TRUTH

 2,140 total views

Magpapadala ng tig-P200,000 tulong ang Caritas Manila sa apat na diyosesis sa Northern Luzon na lubhang apektado ng Bagyong Egay.

Ito ang paunang tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila sa Arkidiyosesis ng Tuguegarao, Cagayan at Nueva Segovia, Ilocos Sur; at Diyosesis ng Laoag, Ilocos Norte at Bangued, Abra.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Tuguegarao Social Action Director Fr. Andy Semana, higit na naramdaman ang hagupit ng bagyo sa bayan ng Abulug, Cagayan at sa mga islang kabilang sa Babuyan Islands lalo na sa Calayan, Camiguin, at Fuga.

Patuloy namang nagsasagawa ng assessment ang Arkidiyosesis upang matukoy ang mga naging pinsala at kabuuang bilang ng mga nagsilikas na pamilya sanhi ng kalamidad.

“Maraming mga families na talagang affected ni Bagyong Egay. Abulog po ‘yung maraming nagsilikas because of flooding.” ayon kay Fr. Semana sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon naman kay Greg Turqueza ng Diocese of Bangued Social Media Apostolate, unti-unti nang bumubuti ang lagay ng panahon sa Abra, bagama’t nag-iwan ito ng malaking pinsala sa kapaligiran.

“Thanks God, wala na po ‘yung malalakas na hangin at ulan. Walang kuryente province wide, I believe, and communications are unstable… And yes, malala po damages ng bagyo.” ayon kay Turqueza.

Kasalukuyan namang hinihintay ang initial assessment sa Apostolic Vicariate ng Tabuk at Bontoc-Lagawe, Diocese of Baguio, at Prelature of Batanes na nakaranas din ng malaking pinsala mula sa Bagyong Egay.

Naunang ipinag-utos ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagkakaroon ng second collection para sa mga naapektuhan ng bagyo.

Read: https://www.veritasph.net/2nd-collection-para-sa-mga-biktima-ng-bagyong-egay-ipinag-utos-ni-cardinal-advincula/

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 13,903 total views

 13,903 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 88,204 total views

 88,204 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 143,960 total views

 143,960 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 104,880 total views

 104,880 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 105,990 total views

 105,990 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 8,812 total views

 8,812 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

ATM, dismayado sa mga Senador

 7,370 total views

 7,370 total views Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa desisyon ng Senado na isantabi ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay

Read More »

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 37,016 total views

 37,016 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
1234567