Caritas Manila, paiigtingin ang “Christian Humanism”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,384 total views

Kaisa ng mga nangangailangan ang Caritas Manila sa anumang pagsubok na kaharapin sa buhay.

Ito ang tiniyak ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas sa paggunita ng World Humanitarian Day sa August 19, 2023.

Ayon sa Pari, patuloy ang Social Arm ng Archdiocese of Manila sa mga inisyatibong nagpapakain sa mga nagugutom, nagpapaaral sa mga kapos-palad at nagbibigay ng kabuhayan sa mga pinakamahihirap saan mang panig ng Pilipinas.

“Unang-una priority ng Caritas Manila ito ngang hunger and malnutrition kaya’t para sa ating Humanitarian Day ang simbahan ang kristiyanismo ay nagpopromote talaga ng the best kind of humanism ito yung Christian Humanism na kung saan nakikita ang Diyos sa bawat isa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.

Tiniyak din ng Pari ang pinaigting na pagpapakain sa mga bata upang tuluyang malutas ang malnutrisyon sa Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan ng mga Integrated Nutrition Program ng Caritas Manila na bukod sa mga bata at pinapakain rin ang mga lactating mothers ng mga pagkain masusustansya upang makaahon mula sa malnutrisyon.

“Sabi nga sa Matthew 23:5 ano man ang gawin mo sa pinakamaliliit naroon ang Panginoon kayat ang ating humanitarian celebration na priority ng Caritas Manila addressing hunger and malnutrition lalo na ngayon sa ating kasalukuyang panahon,” bahagi pa ng panayam ng Radio Veritas.

Sa tala noong March 2020 hanggang December 2021 ay umabot sa dalawang bilyong piso ang nailaan ng Caritas Manila bilang pondo sa ibat-ibang humanitarian programs na tinutulungan hindi lamang ang mga nangangailangan sa Arkiyidiyoses ng Maynila kungdi ang mga nangangailangan din sa sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 10,527 total views

 10,527 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 85,141 total views

 85,141 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 165,220 total views

 165,220 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 208,359 total views

 208,359 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 208,811 total views

 208,811 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top