Ang mga Mananahi ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,299 total views

Kapag sinabing mananahi sa ating bansa, kadalasan ang imahe na nabubuo sa ating isipan ay isang babae, yuko na sa kanyang makina, at tuloy tuloy ang pananahi para sa kanyang kabuhayan at ng kanyang mga anak. Itsura ng paghihirap ang agad nating nakikita.

Madalang na ating naiisip na ang mananahi ay isang matapang at masipag na mamamayan,  babae man siya o lalaki, na gumagawa ng kanyang obra – bunga ng kanyang galing at kasanayan sa isang skill o kakayahan na hindi makakaya ng iba.

Ang mga mananahi ng bansa natin, kapanalig, ay matatawag nating bayani, lalo pa’t silang nagpapatuloy ng mga sining, gayak, at estilo na tunay na Pilipino. Kaya lamang, marami pa tayo dapat isaayos sa garment industry ng ating bayan. Sa hierarchy of importance sa industriyang ito, kadalasan, ang mga mananahi ang nasa ilalim, nakakalimutan at napapabayaan.

Ang Asya kapanalig, kung saan tao ay bahagi, ay ang garments capital of the world. Magandang balita ito, lalo pa’t nakikinabang ang maraming maliliit na bansa gaya natin. Kaya lamang, kailangang natin suriin ang working conditions ng maraming mga garments factory upang matiyak na maayos ang kalagayan ng ating mga mananahi. Masyado minsan mababa ang labor wages habang ang trabaho ay napakabigat at napakahaba. May mga garment factories din na hindi conducive sa maayos na pagtatrabaho at maaaring health hazard pa.

Isa pa rin sa hamon sa ating garments industry pati na rin sa ating mananahi ay ang pagtaas ng kumpetisyon habang minsan ay lumiliit ang demand, lalo pa’t panahon ng resesyon at pagtaas ng bilihin sa iba ibang parte ng mundo. Minsan, pababaan na ng labor costs dahil dito, kaya’t ang mananahi ang unang naapektuhan ng pabago-bagong demand at mataas na kompetisyon.

Ilan pa sa mga hamon sa mga mananahi ay seguridad at katiyakan sa trabaho. Tinatayang mahigit pa sa 550,000 ang mga garment workers sa bansa, ngunit pihadong mas marami ito dahil hindi nakalista lahat, at may mga subcontractors, o kaya home based workers. Dahil sa paiba-ibang lebel ng demand at sa iba ibang hamon gaya ng pandemya, madalas ang pagla-lay off sa mga mananahi – lalo na noong kahitikan ng COVID-19. Sa gitna ng kawalan ng katiyakan sa trabaho, marami pa sa kanila ang walang sapat na social protection, gaya ng unemployment benefits o disability benefits.

Panahon na upang matutukan na rin ang sitwasyon ng mga garment workers sa bansa, upang mas umangat pa ang kanilang industriya at makaranas sila ng kaluwagan sa buhay. Suriin natin ang labor conditions nila at tiyakin na tama at sapat ang kanilang proteksyon at kompensasyon. Angkop dito ang tagubilin mula sa Sacramentum Caritatis: “Work is of fundamental importance to the fulfillment of the human being and to the development of society. Thus, it must always be organized and carried out with full respect for human dignity.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 42,701 total views

 42,700 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 70,706 total views

 70,705 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 88,505 total views

 88,505 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 86,659 total views

 86,659 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 195,900 total views

 195,900 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 42,702 total views

 42,702 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 70,707 total views

 70,707 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 88,507 total views

 88,507 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 86,661 total views

 86,661 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »
Scroll to Top