Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, pinarangalan ang libu-libong volunteers

SHARE THE TRUTH

 303 total views

Nagpa – abot ng pasasalamat ang Caritas Manila sa libu-libong volunteers na nagbigay ng kanilang oras at dedikasyon sa pagsisilbi sa mga nangangailangan at underprivileged sa ika – 63 anibersaryo nito.

Ayon kay Caritas Manila executive director Rev. Fr. Anton CT Pascual, umaabot na sa 4 na libo ang mga volunteers ng Social Services and Development Ministry o SSDM sa mga parokya sa 13 vicariates ng Archdiocese of Manila.

Inihayag ng pari na mahalaga ang ginagampanang papel ng mga SSDM hindi lamang sa pagiging servant leader kundi lalo’t higit sa pagpapakilala ng mga programa ng Caritas Manila sa scholarship, disaster at restorative justice ministry ng Simbahang Katolika.

“Tayo ay nagpapasalamat sa pagdami ng ating mga volunteers na nagpapadaloy ng programa natin tulad ng scholarship, ang disaster at tsaka itong ating RJ ministry para sa mga bilanggo at nakalaya na kaya’t meron tayong mahigit 4 na libong volunteers sa iba’t ibang mga parokya na siyang nagpapadaloy ng mga programa ng Caritas Manila,” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Veritas Patrol.

Hinimok rin nito ang mga mananampalataya na upang ganap na maipakita ang gawa ng awa o “acts of mercy” ngayong Jubilee Year of Mercy ay maaring tumungo sa kanilang parokya at sumali bilang volunteers ng SSDM.

“Nagpapasalamat tayo sa Diyos maraming tumutugon na ang paglilingkod sa Panginoon ay hindi lamang sa antas ng pagsamba. Puwede ring ipakita ito sa mga gawa ng awa o yung acts of mercy. Tulad nga itong pag – implement ng mga program pag – aalaga sa mga scholars natin na 5 libo at yung mga tinutulungan natin sa mga disaster areas sa buong Pilipinas lalong – lalo na dito sa Metro Manila,” giit pa ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 33,201 total views

 33,201 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 63,282 total views

 63,282 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 77,342 total views

 77,342 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 95,679 total views

 95,679 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 81,525 total views

 81,525 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 107,339 total views

 107,339 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 143,071 total views

 143,071 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567