Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, hinamon ang pamahalaan na bigyan ng tunay na pagkilala ang medical workers

SHARE THE TRUTH

 372 total views

Ang mga medical workers na nagsisilbing frontliners sa laban ng bansa mula sa banta ng panganib na dulot ng COVID-19 virus ang maituturing na mga bagong bayani.

Ito ang ibinahagi ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng Caritas Philippines kaugnay sa paggunita ng bansa sa Araw ng mga Bayani o National Heroes Day.

Ayon sa Obispo, kabilang sa kanyang partikular na panalangin ay ang lahat ng mga Pilipinong medical frontliners na pumanaw at inialay ang kanilang mga buhay sa laban kontra COVID-19.

Giit ni Bishop Bagaforo, nawa ay ganap na mabigyang pagkilala ng pamahalaan ang lahat ng mga sakripisyo at pagpupursige ng mga medical frontliners na gampanan ang kanilang tungkuling sinumpaan sa larangan ng medisina sa kabila ng panganib sa kanilang buhay at pagkalayo sa mga mahal sa buhay.

“My prayers today is for all our Pilipino doctors, nurses, and medical people who have died because of COVID-19. They are our national heroes today!! I urge our government to recognize them soonest.” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Tema ng National Heroes Day 2021 ngayong taon ang “Heroism of Each Filipino, Key to Victory and Humanity” na naglalayong kilalanin ang kabayanihan ng bawat isa para sa pagtatagumpay ng buong bayan mula sa iba’t ibang mga pagsubok sa kasalukuyan kabilang na ang COVID-19 pandemic.

Samantala, una ng nagpahayag ng suporta at tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pananalangin para sa kapakanan ng mga medical frontliners sa bansa na hindi matatawaran ang sakripisyo na makapagkaloob ng serbisyong medikal sa kabila ng mga nakabinbing pangakong benipisyo ng pamahalaan.

Kabilang sa mga pangakong benepisyo ng pamahalaan para sa mga medical frontliners ay ang meal allowance, transportation allowance at accomodation allowance gayundin ang Special Risk Allowance at Active Hazard Duty Pay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 13,802 total views

 13,802 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 21,901 total views

 21,901 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 39,868 total views

 39,868 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,130 total views

 69,130 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,707 total views

 89,707 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 176 total views

 176 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 996 total views

 996 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,477 total views

 6,477 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top