Catholic composers, hinimok na lumahok sa Himig ng Katotohanan liturgical song writing contest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,272 total reads

Hinimok ni Radio Veritas President Fr. Anton Pascual ang mga catholic composers sa bansa na lumahok sa ‘Himig ng Katotohanan’ liturgical song writing contest ng himpilan.

Ayon sa pari layunin nitong makapaglikha ng mga bagong kantang pansimbahan na magagamit sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

“Para sa ating mga choirs, catholic composers inaanyayahan ko kayong makiisa sa ating Himig ng Katotohanan, gumawa ng mga kanta sa misa sapagkat ang pag-awit ay isang magandang paraan ng paglago sa buhuay espiritwal,” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Tema ng patimpalak ang “Synodality: Fellowship, Participation and Mission” hango sa synodality ng Santo Papa Francisco.

Kabilang sa kategorya ang original composition ng apat na processional songs (entrances, offertory, communion and recessional); maaring isulat sa Filipino at English at naaangkop sa banal na pagdiriwang; hindi lalampas sa limang minuto; habang binubuo ng walo hanggang 15 choir members na may endorsement mula sa Parish Priest ng parokya.

Pinalawig ng himpilan ang deadline ng entries sa September 30 habang itinakda ang grand finals sa November 22, 2023 kasabay ng kapistahan ni Santa Cecila ang pintakasi ng musicians at composers.

Pipili ng 12 finalist na ibibilang sa album production at makatatanggap ng cash prizes, trophy at certificates ang mga mananalong choir.

Binubuo naman ng mga kilalang composers, singer song-writers ang board of judges na sina Fr. Carlo Magno Marcelo, Fr. Nilo Mangusad, Vehnee Saturno, Ferdinand Bautista, Julie Grace Namit, Lara Maige kasama si Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang chairperson ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communications.

Para sa karagdagang detalye maaring makipag-ugnayan kay Renee Jose ng Religious Department sa numerong 8925-7931 to 39 local 129 at 131 o mag-text sa 0917-631-4589

UNDAS 2026, generally peaceful

 23,978 total reads

 23,978 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 43,012 total reads

 43,012 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 92,764 total reads

 92,764 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 251,958 total reads

 251,958 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 279,118 total reads

 279,118 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 311,503 total reads

 311,503 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top