169 total views
Nagpaaabot ng panalangin si Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Chairman at Balanga Bishop Ruperto Santos para sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers sa lugar.
“Almighty God, our merciful Father, with your powerful words make the forces of nature calm and peaceful. Spare us from destruction and imminent death. On these threat of earthquakes, we turn to You to protect us and provide us safety. We trust You all the more to be secured and save from all calamities. Amen,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos
Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs na walang Filipino ang nasugatan at nasawi sa pagtama ng 7.1 magnitude na lindol sa Central Mexico kahapon.
Ayon kay DFA Spokesperson Robespierre Bolivar, bagamat bahagyang napinsala ang embahada ng Pilipinas sa Mexico ay nananatiling ligtas ang mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa nasabing bansa.
“Gusto lang nating sabhin na sa ngayon ang balita natin ligtas yung mga kababayan natin sa Mexico, patuloy na minomonitor ng embassy natin ang kalagayan nila, they are in constant touch with our Filipino community not only in Mexico City kundi sa iba pang bahagi ng Mexico,” pahayag ni Bolivar.
Sa datos ng DFA, 263 ang mga Filipino sa buong Mexico kung saan humigit kumulang 60 rito ay naninirahan na mismong siyudad kung saan nangyari ang sentro ng pagyanig.
Dahil sa lakas ng paglindol, 27 ang mga gusaling nasira na kumitil sa buhay ng 119 katao habang 3.8 milyong residente naman ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Magugunitang isang linggo pa lang ang nakalilipas ng yanigin din ang southern coast ng Mexico ng magnitude 8.1 na lindol kung saan 61 ang namatay.