Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, nanawagan ng pakikiisa sa national day of prayer and repentance

SHARE THE TRUTH

 15,335 total views

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pakikiisa sa idineklarang ‘Pambansang Araw ng Panalangin at Pagsisis ng buong Sambayanang Pilipino’ o ‘National Day of Prayer and Public Repentance’ sa darating na Oktubre 7, kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

Ito ang apela ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa patuloy na pagdurusa ng bansa mula sa mga kalamidad at katiwalian.

Sa liham ni Cardinal David ay hinihikayat ng pangulo ng CBCP ang lahat ng mga parokya, kapilya, paaralan, pamilya, at samahang Simbahan na makibahagi sa pambansang gawain ng pananalangin at pagsisisi.

Sinula sa ika-7 ng Oktubre, 2025 araw ng Martes, ay ipinag-utos ng pangulo ng CBCP na dasalin sa mga Simbahan ang natatanging panalangin na may titulong “A National Cry for Mercy and Renewal,” na ipagpatuloy tuwing araw ng Linggo hanggang sa Kapistahan ng Kristong Hari sa Nobyembre 23, 2025.

“In the context of the calamities that continue to afflict our land, we call for a National Day of Prayer and Public Repentance to be launched on Tuesday, October 7, 2025, Feast of Our Lady of the Holy Rosary. We invite that the following prayer be prayed not only in all our parish churches, chapels, and homes starting on Tuesday, October 7, 2025, but also in the succeeding Sundays leading to the Feast of Christ the King, as a sustained supplication for mercy and renewal. We ask our Basic Ecclesial Communities (BECs), families, schools, and church groups and organizations to pray this together regularly.” Bahagi ng panawagan ni Cardinal David.

Pagbabahagi ni Cardinal David, ang gawaing ay bahagi ng patuloy na paglalakbay ng Simbahan sa diwa ng synodality— na sama-samang paglalakbay ng bayan ng Diyos, habang patuloy na ginagabayan ng Espiritu Santo upang magkaroon ng patuloy na pag-asa ang bawat isa.

“This act of national contrition is also a step in our journey of synodality—walking together as God’s people, listening to the Spirit and to one another, in humility and hope. As we mark this Pilgrimage Year of Hope, we cling to the promise of the Apostle Paul: “Hope does not disappoint, because the love of God has been poured into our hearts through the Holy Spirit” (Rom 5:5).” Dagdag pa ba ni Cardinal David.

Nasasaad sa nasabing panalangin na maaring usalin sa Ingles at Tagalog ang taos-pusong pagsisisi, paghingi ng awa at habag ng Diyos.

Attached English and Tagalog version of the Prayer:

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa tirahan

 31,192 total views

 31,192 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Habitat Day. Layunin ng taunang pagdiriwang na ito na isulong ang karapatan ng lahat sa maayos na tirahan.

Read More »

TALO ANG MGA PILIPINO

 52,315 total views

 52,315 total views Sa nabunyag na “endemic corruption” sa flood control projects ng pamahalaan na tumagos sa kaibuturan ng puso at isip ng mga Pilipino. Ang

Read More »

AVARICE o GREED

 73,118 total views

 73,118 total views Greed (pagkagahaman), ito ay isang uri ng sakit na umiiral sa ating mga Pilipino. Ang masaklap nito, ito ay gawi na ito ay

Read More »

Pati ba naman mga silid-aralan?

 71,094 total views

 71,094 total views Mga Kapanalig, hindi na lingid sa ating kaalaman ang problema natin sa kakulangan ng silid-aralan sa ating mga pampublikong paaralan. Pero ang malamang

Read More »

Kinasangkapan ang kabataan

 80,994 total views

 80,994 total views Mga Kapanalig, nakalulungkot at nakaaalarma ang karahasang naganap sa Mendiola kasabay ng mga protesta kontra korapsyon noong Setyembre 21.  Nabahiran tuloy ang mapayapang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Sanlakbay, binisita ng UNODC at PDEA

 23,339 total views

 23,339 total views Nagpaabot ng ng pasasalamat ang Sanlakbay sa mga kinatawan ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) Philippines at Philippine Drug Enforcement

Read More »
Scroll to Top