CEAP, nadismaya sa pangungutya sa pananampalatayang katoliko sa France

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,699 total reads

Nagpahayag ng simpatya at pakikiisa ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa French’ Bishops Conference at mga Katoliko sa France sa hindi naangkop na pagsasalarawan ng Huling Hapunan sa pagsisimula ng Paris Olympics.

Sa isinapublikong ni CEAP President Rev. Fr. Albert Delvo, ibinahagi ng organisasyon ang pagkadismaya sa mistulang pangungutya sa pananampalatayang Kristiyano na tahasang nagsantabi sa mayamang kultura at paniniwala ng mga Katoliko hindi lamang sa France kundi sa buong mundo na nakatutok sa pandaigdigang paligsahan.

“We are in solidarity with the French Bishops and empathize deeply with the people of France, who have a rich history of Catholicism. The Holy See has also expressed sadness, deploring the offense to Christians in some scenes of the Olympic opening ceremony. In our view, the performance dims the beauty and value of their cultural and religious heritage.” Bahagi ng pahayag ng CEAP.

Ayon sa organisasyon, ang Olympics ay isa sanang pambihirang entablado at pagkakataon upang higit na maisulong ang pagkakaisa at pagkakapatiran sa buong daigdig ngunit nauwi sa pagkadismaya ng mga Katoliko dahil sa hindi naangkop na pagsasalarawan ng Huling Hapunan.

Iginiit ng CEAP na mahalaga ang pagkakaroon ng makabuluhan at mapagpakumbabang pakikipagdayalogo upang matugunan ang kontrobersiya at muling bigyang halaga ang katotohanan, kapayapaan at pagkakaisa na isinusulong ng pananampalatayang Kristiyano.

“The Olympic stage should unite us, celebrating the human spirit and fostering global camaraderie. However, the apparent mockery of the Last Supper has contradicted these ideals. While the opening ceremony aimed to inspire, a segment of the production has caused deep offense. The Catholic community then cannot stay silent when core religious beliefs are undermined. We must, therefore, engage in respectful dialogue and meaningful conversations in addressing the issue, upholding the values of truth, charity, and unity that the Church embodies, and celebrating the Olympic spirit and ideals.” Dagdag pa ng CEAP.

Matatandaang una ng kinundena ng French’ Bishops Conference at ilan pang mga lider ng Simbahang Katolika sa mundo ang ginawang pagtatanghal sa pagsisimula ng 2024 Olympics sa Paris noong ika-26 ng Hulyo, 2024 kung saan itinampok ang mga drag queen bilang apostol habang isang DJ naman ang gumanap na Hesus sa pagsasalarawan ng Huling Hapunan o Last Supper.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 61,855 total reads

 61,855 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 99,887 total reads

 99,887 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 134,015 total reads

 134,015 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 190,421 total reads

 190,421 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 29,457 total reads

 29,457 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top