Clemency, panawagan ng simbahan para kay Mary Jane Veloso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,834 total views

Clemency, panawagan ng simbahan para kay Mary Jane Veloso

Nanawagan ng clemency kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior para kay Mary Jane Veloso si Caritas Philippines Vice-president Gerardo Alminaza at kaniyang mga magulang na sila Cesar at Celia Veloso.

Ginawa ng Obispo ang panawagan sa misang inalay para sa inaasahang pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas matapos ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia sa kasong Drug Trafficking noong 2010.

Ayon kay Bishop Alminaza, nawa matapos mahatulan ang mga indibidwal na napatunayan may sala sa pagsasangkot kay Veloso ay maunawaan ng pamahalaan na biktima sa Veloso at hindi kailanman ay naging sangkot sa anumang ilegal na aktibidad.

Naniniwala ang Obispo na tanging pagtatrabaho sa ibayong dagat at pagpapabuti sa kalagayan ng pamilya ang layunin ni Mary Jane kaya ito naging Overseas Filipino Worker (OFW).

“At sana dahil na-convict naman yung traffickers niya at kaya nga ang reason na bakit babalik, ipapabalik siya ay dahil siya ay maging state witness, maging test, magte-testify siya against doon sa traffickers niya, sana this is already the needed basis or reason na mabigyan na siya ng clemency, na mapatunayan na siya ay inosente at biktima lang talaga ng mga, yung mga taking advantage ng kahirapan, ng ating kapwa Pilipino para yumaman sila at magkapera sila, napakasakit nitong experience na ito, Sana wala ng Mary Jane Veloso na makaranas ng ganito, so panawagan ko, ipagdasal natin, magtrabaho tayo, magtulungan tayo,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Alminaza.

Labis naman ang pagpapasalamat ng Ina ni Mary Jane na si Celia Veloso dahil sa suportang ipinaramdam ng simbahan simula ng makulong si Veloso kung saan ipinarating din niya ang pagpapasalamat sa pamahalaan, media at ibat-ibang grupo na naging bahagi ng 14-taon pakikibaka para sa kaniyang anak.

Umaasa si ginang Celia na kilalanin ng pamahalaan na inosente at biktima ang anak na si Mary Jane at igawad ang clemency.

“Ang mensahe ko po nagpapasalamat po ako sa lahat-lahat po ng sumuporta sa aking anak, sa mga Migrante, sa Attorney namin, sa mga Media at sa mga Taong Simbahan, sa buong mundo na sumuporta, maraming salamat at ang kwan ko po sana, makauwi po siya ng mapayapa, ligtas at bigyan na siya ng ating pangulo ng Clemency,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Celia Veloso.

Nobyembre ng iparating ng Indonesia sa Pilipinas ang layuning ilipat si Mary Jane Veloso sa mga kulungan ng Pilipinas.

Matapos makulong, simula pa noong 2010 ay idinaos na ang mga pakikipag-ugnayan o dayalogo ng pamahalan ng Pilipinas sa Indonesia matapos mahatulan ng bitay at magawaran ng temporary reprieve noong 2015 si Veloso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 14,402 total views

 14,402 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 56,294 total views

 56,294 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 110,337 total views

 110,337 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 138,001 total views

 138,001 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 154,773 total views

 154,773 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 5,499 total views

 5,499 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top