Code white alert, ipinatupad ng DOH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,465 total reads

Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Binigyang-diin ni Health Secretary Ted Herbosa ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng publiko upang maging mapayapa at makahulugan ang pagdiriwang para sa lahat.

Ayon kay Herbosa, mahalaga ito lalo na sa mga maglalakbay pauwi sa mga probinsya, magsasagawa ng Visita Iglesia o pilgrimage, at sa mga dadalo sa mga pagtitipon ng pamilya.

“Maging alerto po tayo sa mga kalsada ngayong karamihan ay magbibiyahe. At dahil din po sa matinding init, mag-iingat din po tayo sa epekto nito sa katawan,” ayon kay Herbosa.

Tinututukan ngayon ng DOH ang heat-related illnesses tulad ng heat exhaustion at heat stroke, na mapanganib lalo na para sa mga bata, matatanda, persons with disability (PWD), at mga manggagawang lantad sa init o outside workers.

Kabilang sa mga paalala ng kagawaran upang maiwasan ang mga karamdaman ngayong tag-init ay ang pag-iwas sa matagal na pagkakalantad sa init ng araw mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon; palagiang uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig; gumamit ng payong, pamaypay, o sumbrero kapag lalabas ng bahay o gusali; at magsuot ng magaan, maluwag, at maaliwalas na damit.

Sakali namang may kasamang makaranas ng sintomas ng heat-related illness, agad itong ilipat sa malamig at maaliwalas na lugar; palamigin ang katawan gamit ang ice pack, pamaypay, at tubig; at agad na tumawag sa emergency 911 at DOH Hotline 1555.

“We encourage everyone to observe the Holy Week responsibly. Magpunta po sa mga DOH hospitals na tuloy-tuloy na naka-antabay at magbibigay ng healthcare services sa mangangailangan nito ngayong Semana Santa,” dagdag ni Herbosa.

Mananatiling nakataas ang Code White Alert hanggang April 20, 2025, o Linggo ng Pagkabuhay.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 14,014 total reads

 14,014 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 41,106 total reads

 41,106 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 101,604 total reads

 101,604 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 121,617 total reads

 121,617 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 202,271 total reads

 202,271 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 302,085 total reads

 302,085 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 63,854 total reads

 63,854 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top