Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Crackdown ng DOLE sa abosadong fast food chains, kinilala

SHARE THE TRUTH

 3,307 total views

Pinuri ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP ang naging pagkilos ng Department of Labor and Employment laban sa malalaking fast-food chains sa Pilipinas na lumalabag sa karapatan ng mga mangagawa.

Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, ipinapakita lamang nito na kung talagang nanaisin ng mga ahensya ng pamahalaan na higpitan ang kanilang mandato ay hindi imposibleng maipatupad ang mga ito.

“Kino-congratulate natin ang Department Of Labor and Employment na kapag gusto pala nilang gawin yung kanilang trabaho, i-check yung kalagayan ng ating mga mangagawa, ay kaya pala nilang gawin. Kaya dito, sa inspection na kanilang ginawa ay nakita nila na yung Jolibee at Burger King ay napakarami nang violation,” bahagi ng pahayag ni Tanjusay sa Radyo Veritas

Ilan sa mga nadiskubre ng DOLE na ginawang paglabag ng mga naturang fast-food chains ay ang pagkakaroon ng illegally collected payments, hindi pagbabayad ng holiday pay at iba pang benefits ng mga empleyado at ang libo-libong endo workers na napakaliit lamang ng sweldo.

Samantala, dahil sa sinimulang mga pagsisiyasat ng DOLE, ipinangako ng ALU-TUCP na hindi mananahimik ang kanilang grupo at magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga pagkilos upang ipagtanggol ang mga karapatan ng mga manggagawa.

Sa Social Doctrine of the Church, bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan kinakailangang na ang kitang ito ay nakakamit sa malinis na pamamaraan nang hindi nasasakripisyo o naaapektuhan ang karapatan ng mga manggagawa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 12,570 total views

 12,570 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 33,297 total views

 33,297 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 41,612 total views

 41,612 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 60,172 total views

 60,172 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 76,323 total views

 76,323 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Economics
Veritas NewMedia

CBCP, nababahala sa kalusugan ng mga OFW

 3,673 total views

 3,673 total views Pinaalalahanan ng isang Pari ang mga Overseas Filipino Workers na panatilihin ang maayos na kalusugan at huwag abusuhin ang sarili sa pagtatrabaho sa

Read More »
Economics
Veritas NewMedia

Price monitoring policy, ilalabas ng DOE

 3,299 total views

 3,299 total views Nakatakdang maglabas ng isang polisiya ang Department of Energy upang mahigpit na masubaybayan ang mga presyo ng petrolyo sa merkado at maprotektahan ang

Read More »
Economics
Veritas NewMedia

Bakuna, population control ng gobyerno

 3,304 total views

 3,304 total views Salapi ang nakikitang dahilan ni Dr. Dolly Octaviano, President ng Doctors for Life Philippines kung bakit patuloy ang pagsusulong sa paggamit ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top