Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Curfew ordinance, dapat pag-aralang mabuti

SHARE THE TRUTH

 296 total views

Umaasa si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na muling mapag-aaralan at masusuri ang nasasaad sa “curfew ordinance” matapos pansamantalang suspendihin ng Korte Suprema ang implementasyon nito sa Maynila, Quezon City at Navotas.

Ayon sa Obispo, dapat ring ikonsidera ng mga otoridad at mga mambabatas ang reyalidad ng modernong panahon partikular na ng mga estudyanteng hindi maiwasang gabihin ng pag-uwi sa kanilang mga tahanan.

“Dapat pag-usapan pa ng maayos itong mga TRO sa curfew kasi totoo iba na yung reyalidad ngayon maraming estudyante gabi na umuuwi, mayroon tayong mga iba pang mga lakad so dapat tingnan na hindi naman masyadong ma-pertail ang freedom ng mga kabataan. Tingnan ano ba talaga yung tinututulan ng curfew at ayaw ng Supreme Court at ayusin siguro ng batas,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, nanawagan rin ang Obispo sa mga kabataan na sumunod sa batas at mga alituntuning ipinatutupad sa pamayaman na naglalayung mapabuti ang kapakanan ng bawat isa.

Kasabay ng Temporary Restraining Order sa isinampang petisyon ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), inatasan rin ng Supreme Court ang mga lokal na opisyal ng tatlong lungsod na maghain ng komento kaugnay sa nasabing petisyon.

Paliwanag ng mga mahistrado, ang ginagawang pagdeditine sa mga menor de edad gamit ang curfew ordinance ang pinag-aaralang iligal sa pagpapatupad ng Manila City Ordinance No. 8046, Quezon City Ordinance No. SP-2301 at Navotas City Ordinance No. 2002-13.

Partikular na nakasaad sa isinampang petisyon ng grupo ang paglabag ng tatlong lungsod sa Republic Act (RA) No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act kung saan hindi maaring iditene ang mga kabataang edad 18 taong gulang pababa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 12,410 total views

 12,410 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,510 total views

 20,510 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 38,477 total views

 38,477 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 67,765 total views

 67,765 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 88,342 total views

 88,342 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,336 total views

 6,336 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top