3,053 total views
Inihayag ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na kanyang naiparating kay Pope Leo XIV ang lahat ng mga panalangin at hiling ng mga Pilipino sa kanyang pakikipagpulong sa Santo Papa sa Vatican noong Hunyo.
Ayon kay Archbishop Brown sa kanyang naging Pastoral Visit On the Air sa Radyo Veritas ay kanyang naibahagi kay Pope Leo XIV ang mga pagbati, hiling at panalangin ng mga Pilipinong mananampalataya para sa ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika.
“Of course, as all you listeners can imagine, I brought every wishes and prayers of everyone here in the Philippines.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.
Paliwanag ng Arsobispo, isang pambihirang karanasan din para sa kanya na makaharap ng personal si Pope Leo XIV sa kauna-unahang pagkakataon mula ng ito ay maging punong pastol ng Simbahang Katolika.
Pagbabahagi ni Archbishop Brown, bago pa man maging Santo Papa ay nakatrabaho na niya si Cardinal Robert Prevost noong 2023 bilang dating Prefect of the Dicastery for Bishops na nangangasiwa sa pagtatalaga ng mga Obispo sa iba’t ibang panig ng mundo.
“I knew Pope Leo XIV before he became Pope, since 2023 he’s been working in the Vatican that organizes the appointment of Bishops around the world, since the nuncio is kind of the ‘point man’ for that work, I’ve had a lot of contact the then Cardinal Prevost, I know him a little bit, but it is my first time to call Him ‘Holy Father’…” Dagdag pa ni Archbishop Brown.
Ayon sa Arsobispo, bahagi ng kanilang tungkulin bilang mga Apostolic Nuncio sa iba’t ibang bansa ang gabayan ang pinuno ng nasabing tanggapan ng Vatican upang makapagluklok ng mga lingkod ng Simbahan na naangkop na maging Obispo o pastol sa kawan ng Diyos.
Giit ni Archbishop Brown, tanging ang Santo Papa pa rin ang nagdidesisyon sa kung sino ang naaangkop at karapat-dapat na mailulok bilang Obispo batay sa pangangailangan sa iba’t ibang diyosesis o lugar sa daigdig.
“He is the one organizing the appointments of bishops throughout the world, but then of course the one who appoints a bishop is the Holy Father himself… Once a week, usually on Saturdays, the Prefect – the head, goes to the Holy Father with the appointments need to be made, and talks and explains the diocese and the process that taken place in order to determine the best candidate for the Diocese then in that meeting with the Prefect, the Pope makes the decision to appoint a bishop, but the ground work of that is done by the nuncios around the world.” Ayon pa kay Archbishop Brown.
Sa Pilipinas, apat na diyosesis pa ang walang nakaupong Obispo o nananatiling sede vacante na mga Diyosesis ng Boac, Kalibo, San Jose, at Tabuk.