194 total views
Patuloy na nangangamba ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa proseso ng nalalapit na halalan bagamat 24 na araw na lamang mula ngayon.
Ayon kay dating Ambassador Henrietta de Villa, Chairperson ng PPCRV, partikular siyang nangangamba sa bagong resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) na dadalhin sa ibang presinto o center ng random manual audit team ang balota o ang ballot box sa halip na ito ay manatili dun sa presinto.
Ayon kay de Villa, nakakatakot dahil mas maraming paggalaw, mas lantad ito sa dayaan.
“Now may pagbabago sa resolusyon dadalhin nung random manual audit team sa isang center, hindi dun mismo sa clustered precinct, dadalhin ng BEI yung balota o ballot box sa center para masyado atang maraming movement ang ginagawa mo sa mga balota lalong nagkakaroon ng space for intervention, dapat pag-aralan din sa batas ito, alam ko dapat sa presinto mismo lamang ito” pahayag ni De Villa sa panayam ng Radyo Veritas
Sa May 9, 2016 elections, boboto ang may 54.6 milyong rehistradong botante kayat patuloy ang panawagan ng Simbahang Katolika sa publiko na huwag maging bahagi ng dayaan sa pamamagitan ng pagbebenta ng boto sa mga tiwaling kandidato.
Nasa mahigit 18,000 naman ang elective positions sa pamahalaan.