Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 104,369 total views

Sabi nila, isa sa mga pinakadakilang aksyon na magagawa natin sa ating buhay ay ang pagtatanim ng puno. Hindi man natin maramdam sa ating lifetime ang buong benepisyo nito, ang punong ating tinanim ay sasalba ng buhay ng mga susunod pang henerasyon. Kaya lamang, malawak na ang deforestation sa ating bansa. Kailangan na natin kumilos bago pa mahuli ng lahat.

Kailangan nating kumilos ng sama sama. Sa pamamagitan nito, maaaring mabawasan at mapigilan ang deforestation. Tayo ay may tungkuling itaguyod at pangalagaan ang kagubatan para ating mapanatili ang kasaganaan at kagandahan ng bansa.

Isa sa pangunahing dahilan ng deforestation sa Pilipinas ay ang illegal logging, na ginagawa kapalit ng pansariling interes at kita. Ang mga illegal loggers ay nagpapatuloy sa kanilang operasyon nang hindi naisasaalang-alang ang long-term na epekto nito sa kalikasan.

Ang pagputol ng mga puno para sa kahoy, lupaing agrikultural, at iba pang pangangailangan ng tao ay umuubos ng kagubatan. Ang kakulangan sa wastong regulasyon at implementasyon ng batas ukol sa pagputol ng puno ay nagpapalala pa sa problemang ito. Dahil dito, mabilis na nawawala ang mga natural na yaman ng bansa.

Ang deforestation ay malubha ang epekto sa biodiversity ng Pilipinas. Maraming uri ng halaman at hayop ang naninirahan sa kagubatan, at ang pagkawala ng kanilang tirahan ay nagdudulot ng pagkaubos sa kanilang populasyon. Ang mga endemikong uri na matatagpuan lamang sa Pilipinas ay nanganganib na mawala, at ito’y nagbubunga ng malawakang epekto sa ecological balance.

Bukod dito, ang deforestation ay nagdudulot din ng pagbabago sa klima. Ang kagubatan ay nagbibigay ng natural na proteksyon laban sa pag-ulan at baha, at ang pagkawala nito ay nagreresulta sa mas malalang pagbaha at pagguho ng lupa. Ang epekto nito sa mga komunidad ay hindi lamang sa aspeto ng ekolohiya kundi pati na rin sa ekonomiya at kalusugan.

Ang suliraning dulot ng deforestation ay nangangailangan ng agarang aksyon mula sa pamahalaan, sektor ng negosyo, at mamamayan. Ang pagpapatupad ng mahigpit na batas laban sa illegal logging, pagtutok sa reforestation projects, at pagbibigay ng edukasyon sa publiko ukol sa kahalagahan ng kagubatan ay ilan lamang sa mga hakbang na maaaring gawin upang mapanatili ang kagandahan at kahalagahan ng likas-yaman ng Pilipinas.

Tayong lahat ay may tungkuling itaguyod at pangalagaan ang kagubatan upang mapanatili ang kasaganaan at kagandahan ng bansa. Ang pagkasira ng ating kalikasan ay pagkasira rin ng ating bansa. Ayon nga sa Laudato Si: The human environment and the natural environment deteriorate together.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 40,782 total views

 40,782 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 61,509 total views

 61,509 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 69,824 total views

 69,824 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 87,936 total views

 87,936 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 104,087 total views

 104,087 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 40,783 total views

 40,783 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 61,510 total views

 61,510 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 69,825 total views

 69,825 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 87,937 total views

 87,937 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 104,088 total views

 104,088 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 68,971 total views

 68,971 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 57,400 total views

 57,400 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 57,623 total views

 57,623 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 50,325 total views

 50,325 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 85,870 total views

 85,870 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 94,746 total views

 94,746 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 105,824 total views

 105,824 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 128,233 total views

 128,233 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 146,951 total views

 146,951 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top