Deklarasyon ng St. John the Baptist Parish bilang minor basilica, ipinagpasalamat ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,035 total reads

Lubos ang pasasalamat ng Diocese of Antipolo sa Panginoon sa mga biyayang ipinagkaloob sa lokal na simbahan.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos isang karangalan ng diyosesis ang pagtalaga ng Santo Papa Francisco sa St. John the Baptist Parish sa Taytay, Rizal bilang Minor Basilica na kauna-unahan sa diyosesis at sa buong lalawigan ng Rizal.

Sinabi ng obispo na ito ay handog ng diyosesis sa buong simbahang katolika bilang patunay sa lumalagong pananampalataya ng mamamayan.

“We express our gratitude to God for this amazing grace and proclaim His goodness, faithfulness, and love. It is now our gift to give to the Universal Church.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Nagagalak si Bishop Santos na kasunod ng solemn declaration sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral ang pagdeklara sa ika – 23 Minor Basilica ng bansa na kauna-unahan sa lalawigan gayundin ito ang natatanging stone-church na itinatag noong 1579 sa labas ng Intramuros ang ginawaran ng pagkilala.

“We give our gratitude to His Holiness and we glorify our almighty God for raising our Parish Church as a Minor Basilica. We acknowledge our responsibility that this Minor Basilica will always be a channel of God’s overflowing graces, a working instrument of charity to our people, and a welcoming home as we go on our Synodality.” ani Bishop Santos.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Pedrito Noel Rabonza, II ang parokya katuwang sina Fr. France Edward Baasis at Fr. Aladin Alisbo, Jr.

Unang tiniyak ni Bishop Santos sa pag-upong punong pastol sa mahigit tatlong milyong katoliko ang pagpapaigting sa misyon at gawain ng simbahan na makatutulong sa paghubog ng pananampalataya ng nasasakupang kawan.

Ang diyosesis ay binubuo ng buong lalawigan ng Rizal kasama ang Marikina City kung saan katuwang ni Bishop Santos sa pangangasiwa si Auxiliary Bishop Nolly Buco gayundin ang paggabay nina Bishops Emeritus Francisco De Leon at Gabriel Reyes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 138,593 total reads

 138,593 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 171,389 total reads

 171,389 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 205,514 total reads

 205,514 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 261,919 total reads

 261,919 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top