954 total views
Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP ang mga Pilipino, higit na ang kabataan na makiisa sa idadaos na dalawang araw na ‘EDSA Recall Youth Summit’ sa February 24 hanggang 25 sa Miriam College Innovation Center.
Pinamagatan ang programang ‘Never Again. Never Forget’ na layuning gunitain ang ika-40 taon ng EDSA People Power one Revolution upang higit itong maipaliwanag at maipaalam sa mga kabataan ngayon sa makabagong panahon.
“Don’t miss this opportunity to meet fellow youth advocates. Together, let us rekindle the stories of courage and hope that sparked lasting change in our country—and forge stronger connections toward active citizenship,” ayon sa paanyaya ng CEAP.
Sa programa ay magkakaroon ng ibat-ibang gawain katulad ng mga plenary sessions kung saan magbabahagi ang mga tampok na tagapasalitang dalubhasa at youth advocates hinggil sa EDSA People Power.
Magkakaroon din ng mga educational immersive tours kung saan maaring makiisa ang mga kabataan na susundan ng EDSA Kwarenta Awards.
Maaring magpadala ng email ang mga nais dumalo sa ‘EDSA Recall Youth Summit’ [email protected].




