Escudo de Armas, bagong Selyo ng dambana ng Nazareno; isinapubliko ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,107 total reads

Pinasinayaan ng St. John the Baptist Parish o Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene ang bagong selyo ng dambana.

Layunin ng pagbabago ang mapalalim at higit na maunawaan ng mga deboto ang kaalaman tungkol sa Quiapo Church.

Nagtataglay ang Escudo de Armas at Selyo ng dambana ng mga simbolo ni Hesukristo ang Poong Hesus Nazareno.

Mahigpit na ipinaalala ng simbahan ang paggamit ng selyo ng walang pahintulot ng dambana.

“Paalala mga Ka-Deboto, ang paggamit ng sagisag o SELYO ng Basilika Menor na itim na Nazareno na walang pahintulot sa simbahan o pamunuan ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa R.A. No. 8293 (𝘐𝘯𝘵𝘦𝘭𝘭𝘦𝘤𝘵𝘶𝘢𝘭 𝘗𝘳𝘰𝘱𝘦𝘳𝘵𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴).” ayon pa sa inilabas na pahayag ng basilica.

Nakaukit sa gitna ng kalasag na disenyong krus ang ‘Christogram’ na ‘IHS o Iesous Hemeteros Soter’ na ibig sabihin ay Hesus Aming Tagapagligtas na patungkol sa debosyon ng Poong Hesus Nazareno habang ang Latin Cross ay sumasagisag sa Kristiyanismo at sa Pagpapakasakit at Pagkamatay ni Kristo.

Ang kulay kayumanggi ay tumutukoy sa kahoy na krus na dala ng Poong Nazareno at sa kulay ng imahe ng tanda ng kababaang loob habang ang koronang tinik ay tanda ng dakilang pag-aalay ng buhay ni Hesus para sa sangkatauhan.

Makikita rin sa selyo ang kulay maroon na sagisag sa kasuotan ng imahe at sa dugo ng Panginoong Hesus na inialay para sa sanlibutan at pagtubos sa kasalanan.

Binigyang diin din sa selyo ang mga tanda ng parokya tulad ng sungay na ginawang trumpeta na tumutukoy kay San Juan Bautista ang patron ng simbahan na ang pangunahing misyon ay maging tagapagbinyag at tagapaghanda sa daraanan ng Panginoong Hesus alinsunod sa naitala sa ebanghelyo ni San Juan 1:23 “Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang, ‘Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon.

Ang letrang M at buwan ay tumutukoy sa Mahal na Birheng Maria na paalala sa makasaysayang ugnayan sa pagitan ng mga debosyon sa Poong Hesus Nazareno at sa Mahal na Birhen ng Kapayaan at ng Mabuting Paglalakbay ng Antipolo habang ang buwan ay para sa Mahal na Birheng Maria bilang Inmaculada Concepcion at bilang Nuestra Señora de la Buena Hora na ipinagdiriwang sa Quiapo tuwing August 15, ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat kay Maria sa Langit.

Makikita rin ang Umbraculum na tanda ng kapangyarihang saklaw ng Santo Papa sa simbahang katolika kabilang na ang basilica gayundin ang susi na nagpapahayag ng ugnayan ng punong pastol ng simbahan at Simbahan ng Quiapo sa kasaysayan bilang Basilika Menor at bilang isang ‘dambana’.

Nakalathala din sa Escudo De Armas ang katagang ‘Krus ng Kaligtasan’ na hango sa awitin tuwing nobenaryo ng Poong Hesus Nazareno.

Ginanap ang pagpasinaya ng Escudo de Armas at Selyo ng Basilika Menor at Pang-arkidiyosesis na Dambana ng Itim na Nazareno, Parokya ng San Juan Bautista noong June 15 sa unang araw ng Misa Nobenaryo sa karangalan ng patron ng parokya, San Juan Bautista.

Pinangunahan ni Basilica at Shrine Rector, Parish Priest Fr. Rufino Sescon ang paglunsad kung saan ito ay idinesenyo ni Kendrick Ivan Panganiban ng DOMVS AVREA.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 52,025 total reads

 52,025 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 99,474 total reads

 99,474 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 149,225 total reads

 149,225 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 308,424 total reads

 308,424 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 333,268 total reads

 333,268 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top