Executive order ni Duterte sa Freedom of Information, hamon sa mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

 235 total views

Pinuri at pinasalamatan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtupad nito sa isa sa kanyang mga pangako noong panahon ng kampanya na paglagda sa Executive Order kaugnay ng Freedom of Information.

Ayon kay Bishop Pabillo, malaki ang maitutulong ng naging paninindigan ng Pangulo upang tuluyang maisabatas ang panukalang Freedom of Information na layuning maibalik ang kredibilidad sa pamamahala ng mga opisyal ng bayan na higit dalawang dekada nang hindi naipapasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado.

“Yun po ay magandang balita na pinanindigan ng Presidente ang isa sa mga pangako niya nung siya ay nangangampanya na kapag siya ay mahalal na Presidente ay ipapatupad ang FOI kahit na Executive Order lamang. Maraming salamat diyan at maraming salamat din kasi matagal na natin itong ipinaglalaban na magkaroon ng transparency sa governance at ang FOI ay isang paraan para magka-transparency sa governance…” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, iginiit ng Obispo na dapat magsilbing hamon para sa mga mambabatas partikular na sa mababang Kapulungan ng Kongreso ang naging inisyatibo at pangunguna ng Pangulo sa pagpapatupad ng naturang panukala para tuluyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan.

“Ito’y isang hamon rin sa mga pulitiko, lalong-lalo na sa Congress na siyang humaharang nitong FOI na nakaraan yung lower house na hindi makapasa dito. Ito’y isang dapat panawagan sa kanila na gumawa na ng legislation, ng batas, ng RA, hindi lang sapat ang EO o Executive Order, kailangan din natin ng R.A o Republic Act na maging batas talaga ang FOI para ito ay mananatili…” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Lumabas sa SWS survey noong nakalipas na taon na 56- porsyento ng mga business executives sa bansa ang nagsasabing talamak na ang kurapsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, sa pangunguna ng Bureau of Customs, Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 951 total views

 951 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 38,761 total views

 38,761 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 80,975 total views

 80,975 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 96,521 total views

 96,521 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 109,645 total views

 109,645 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 13,291 total views

 13,291 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top