Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Food security, makakamit ng Pilipinas sa pagtulong sa mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

 3,414 total views

Nanawagan ang tagapagsalita ng Bantay Bigay sa pamahalaan na suportahan ang mga magsasaka upang hindi na umangkat pa ng bigas ang Pilipinas.

Naniniwala si Bantay Bigas Spokesperson Zenaida Soriano na kung maipatupad ang tunay na land reform
at mabigyan ng tamang subsidy ang mga magsasaka ay mas magiging mayabong ang produksiyon sa Pilipinas.

“Kung magkakaroon tayo ng genuine agrarian reform, tapos magkakaroon talaga ng subsidy, tutulungan talaga
ng gobyerno ang mga magsasaka ay uunlad ang kanilang industriya. Talagang mula sa production hanggang sa marketing ng mga magsasaka, para sa ganun umunlad yung ating bansa,” pahayag ni Soriano sa Radyo Veritas.

Samantala, sa kasalukuyan inaprubahan ng National Food Authority Council ang pag-aangkat ng bigas sa pamamagitan ng G2P o Government to Private scheme para magkaroon ng imbak na bigas ang ahensiya sa pagsapit ng lean months mula Hulyo hanggang Septyembre.

Ayon kay Secretary to the Cabinet at NFA Council Chairman Leoncio Evasco, sa ilalim ng G2P scheme, papayagan ang mga private supplier mula sa ibang bansa na lumahok sa bidding process.

Sa datos ng International Rice Research Institute (IRRI)noong 2016, tinatayang 2.4- milyon ang mga rice farmers sa Pilipinas ngunit mas mababa pa rin ang produksyon ng Pilipinas kumpara sa mga rice producers sa East
at Southeast Asia gaya ng Vietnam at Indonesia.

Samantala, nagpahayag din ng pagkabahala ang Kanyang Kabanalan Francisco sa unti-unting pagkaubos
ng mga magsasaka dahil sa kawalan ng suporta ng pamahalaan at sa pag-agaw sa kanilang mga lupa.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 4,353 total views

 4,353 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 25,081 total views

 25,081 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 33,396 total views

 33,396 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 52,080 total views

 52,080 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 68,231 total views

 68,231 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Economics
Veritas NewMedia

CBCP, nababahala sa kalusugan ng mga OFW

 3,667 total views

 3,667 total views Pinaalalahanan ng isang Pari ang mga Overseas Filipino Workers na panatilihin ang maayos na kalusugan at huwag abusuhin ang sarili sa pagtatrabaho sa

Read More »
Economics
Veritas NewMedia

Price monitoring policy, ilalabas ng DOE

 3,293 total views

 3,293 total views Nakatakdang maglabas ng isang polisiya ang Department of Energy upang mahigpit na masubaybayan ang mga presyo ng petrolyo sa merkado at maprotektahan ang

Read More »
Economics
Veritas NewMedia

Bakuna, population control ng gobyerno

 3,298 total views

 3,298 total views Salapi ang nakikitang dahilan ni Dr. Dolly Octaviano, President ng Doctors for Life Philippines kung bakit patuloy ang pagsusulong sa paggamit ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top