Gamitin ang konsensiya sa pagboto – Cardinal Quevedo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 522 total views

Gamitin ang konsensiya sa pagboto.

Ito ang mensahe ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo sa inilabas na circular letter sa Arkidiyosesis ng Cotabato ilang araw bago ang national election.

Ayon kay Cardinal Quevedo, dapat nating tanungin sa ating sarli kung ang ating kandidatong iboboto ay mayroong moralidad at walang bahid ng korupsiyun o katiwalian.

“Is the candidate a person of moral integrity? Corruption is a plague in our country. Billions of pesos go into private pockets every year instead of being spent to uplift the poor. Select a candidate that is not tainted by corruption, unexplained wealth and properties, and enrichment in office”.bahagi ng circular ni Cardinal Quevedo

Ayon kay Cardinal Quevedo, ang atin bang mga iboboto ay gumagalang at nagtatanggol sa karapatan sa buhay at hindi nagsusulong ng pagkitil sa buhay ng sanggol dahil ang buhay ay sagrado at banal.

“Does the candidate respect and defend the right to life? Life is most sacred, a very precious gift of God. The right to life includes the right of the unborn, of the terminally ill, of innocent people, even of suspected or convicted criminals, of the old and the dying. The immoral termination of the life of the unborn and of innocent people, the termination of life even of suspected criminals in utter disregard of due process, are very serious violations. Select a candidate who by belief and practice demonstrates support for the right to life.”pahayag ni Cardinal Quevedo

Ipinaalala din ni Cardinal Quevedo na nararapat nating iboto ang mga kandidatong may katapatan sa kanyang pananampalataya sa salita at sa gawa at may paggalang sa mga lider ng ibat-ibang relihiyon.

“Does the candidate demonstrate respect for and fidelity to his or her faith? Fidelity to the teachings on one’s faith is the mark of a God-fearing person. It is illustrated by fidelity to one’s spouse as taught by our faith, respect for religious leaders, fidelity to the comandments of honoring God’s name, to the commandments against stealing and dishonesty or against sexual immorality. Select a candidate who by word and deed is faithful to the dictates of his faith.”paalala ng Cardinal

Binigyang diin din ng Kardinal na ang ibobotong kandidato ay nararapat na mayroong pagmamahal at malasakit sa mahihirap.

“Does the candidate have an option for the poor? This is a treasured teaching of the Catholic faith. It is expressed in various ways by other religions. The great majority of our people are poor. Will the candidate help harness – as a priority — the resources of government for the integral development of the poor, the needy, and the deprived? Will the candidate give more attention to the few who have rather than to the many who have not? Select a candidate who by deed has demonstrated option for the poor.”bahagi ng circular ng Kardinal

At higit sa lahat giit ng Cardinal ang mga kandidatong dapat iboto ay yaong mga nagsususlong ng kapayapaan lalu na para sa Mindanao.

“In our context in Central and Southern Mindanao, will the candidate work for a just and lasting peace? Every candidae promises to work for peace. But consider this. The phenomenal minoritization of the Bangsamoro in the past 80 years in the land where they had once exercised self-determination and sovereignty is an undisputed historical record. Has the candidate in any way expressed his biases and prejudices against the Bangsamoro so as to obstruct rather than promote peace? Will he recognize and promote Bangsamoro self-determination while preserving national sovereignty? Select a candidate who will be a just peacemaker.
Is the candidate competent to govern 100 million Filipinos and lead them to a better life?

Umaasa ang Kardinal na ang lahat ng mga botante ay maging bahagi ng paghilom ng masang political culture sa bansa at gamitin ang moral at religious values at hindi magpadala sa tradisyunal na pagpili sa mga kandidato.

54.6 na milyong botante ang magtutungo sa ibat-ibang presinto sa bansa sa lunes ik-9 ng Mayo para sa ating halalan 2016.(Riza Mendoza)

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 3,097 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 19,397 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 41,724 total views

 41,724 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 114,529 total views

 114,529 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 145,811 total views

 145,811 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 177,827 total views

 177,827 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 328,010 total views

 328,010 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 81,965 total views

 81,965 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 59,524 total views

 59,524 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 97,944 total views

 97,944 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top