Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

GCTA, ipatupad kontra Covid-19 sa mga piitan

SHARE THE TRUTH

 303 total views

May 1, 2020-12:53pm

Umaasa ang ‘justice ministry’ ng simbahan na matutukan na ang pagsasaayos ng kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) upang maging daan na mapaluwag ang mga bilangguan sa bansa.

Ito ang inihayag ni kay Sr. Zeny Cabrera ng Caritas Manila Restorative Justice, lalu’t patuloy na tumataas ang bilang ng mga bilanggong nagtataglay ng Coronavirus Disease sa iba’t ibang bilangguan.

Paliwanag ni Sr. Cabrera ang GCTA ay maaring maging tugon upang ma-decongest ang mga piitan sa bansa.

“Hopefully sana itong GCTA na nagkagulo-gulo noon pero ngayon inaayos na, I hope sa panahong ito na meron talagang time to fix everything sana ito ay mabigyan na ng lunas na maimplement para sa ganun naman ay ma-decongest talaga ang kulungan,” ang bahagi ng pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon pa sa madre, nangangamba na rin ang mga preso dahil hindi maipapatupad ang physical distancing sa loob ng kulungan dahil na rin sa masisikip na selda.

“Ang fear nila natatakot sila dahil yung sinasabi nating Social Distance di ba to observe ay hindi nila magagawa sa loob kasi inside the brigade yung kapag nasa loob sila ng selda ay magkakasama din sila.” Dagdag pa ni Sr. Zeny Cabrera.

Ang social distancing o physical distancing ang isa sa mga ipinapayo ng mga eksperto na paraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Una na ring inihayag ng ahensya ng pamahalaan na halos 80-porsyento ng mga bilanggo sa bansa ay labis sa kapasidad ng mga kulungan bunsod ng kabagalan ng pagproseso sa kaso ng mga akusado.

Ang Republic Act (RA) 10592 o ang conditional expanded GCTA ay naglalayong mapalaya ang mga bilanggo na nakapagpakita ng magandang pag-uugali sa loob ng bilangguan.

Batay sa pinakahuling tala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong ika-28 ng Abril umaabot na sa 235 ang bilang mga bilanggo at jail personnel na nagpositibo sa COVID-19 mula sa apat bilangguan sa bansa.

Sa datos, 186 sa mga nagpositibo ay nagmula sa Cebu City Jail; isa sa Mandaue City Jail; ang 9 naman ay nagmula sa Quezon City Jail habang may 2 kaso na rin ang naitala sa Zamboanga City Jail.

Lima naman mula sa 38-BJMP personnel na nagpositibo sa sakit ang gumaling mula sa karamdaman.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,382 total views

 9,382 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,482 total views

 17,482 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,449 total views

 35,449 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,771 total views

 64,771 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,348 total views

 85,348 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 582 total views

 582 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,031 total views

 6,031 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,750 total views

 11,750 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top