Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Giyera dahil sa basura?

SHARE THE TRUTH

 378 total views

Mga Kapanalig, uminit na naman ang ulo ni Pangulong Duterte. Ngayon naman, hinahamon niya ng giyera ang Canada kung hindi nito babawiin ang basurang nanggaling doon at itinambak dito limang taon na ang nakalilipas. Totoong mali ang gawing basurahan ng ibang bayan ang Pilipinas. Dapat itong tutulan, dapat papanagutin ang mga maysala, at dapat ibalik ang basura sa pinanggalingan nito.

Gaya ng inaasahan, exaggeration na naman daw ang paghahamon ng giyera ng pangulo. Kung sabagay, basura lamang ba ang magiging dahilan ni Pangulong Duterte upang matapang na ipagtanggol ang ating bayan? Paano pa kaya kung mga yamang-dagat na natin gaya ng mga bahura at taklobo ang sinisira ng mga dayuhan? Paano pa kaya kung mga mangingisda na natin ang itinataboy ng mga dayuhan mula sa ating karagatan? Paano pa kaya kung teritoryo na natin ang gawing collateral para lamang makahiram tayo sa ibang bansa? Hindi ba’t mas malalaking isyu ang mga iyon upang manggalaiti sa galit si Pangulong Duterte at maghamon—o kahit magbiro—siya ng digmaan sa isang bansa? Ano sa tingin ninyo, mga Kapanalig?

Linawin natin na hindi ang pamahalaang Canada mismo ang nagpadala ng tone-toneladang basurang ilang taon nang nakatengga sa ating mga daungan. Commercial transaction iyon ng isang negosyong nakabase rito sa Pilipinas, at, paliwanag ng pamahalaang Canada, may mga umiiral itong batas na nagbabawal na magpasok ng basura sa kanilang bansa. Kinikilala rin daw nito ang kautusan ng korte rito na ipinababalik ang basura sa Canada, at patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang pamahalaan sa ating pamahalaan upang mawala sa Pilipinas ang basura sa lalong madaling panahon.  Mukhang hindi naabisuhan si Pangulong Duterte tungkol dito kaya siya nakapaghamon ng “giyera” sa Canada.

Hindi natin sinasabing seryosohin dapat ni Pangulong Duterte ang banta niyang makipaggiyera sa ibang bansa. Hindi rin natin sinasabing hamunin din niya ng digmaan ang mga bansang inaagrabyado tayo sa loob ng ating teritoryo. Bilang miyembro ng United Nations, ang Pilipinas ay nangakong hindi gagamit ng dahas laban sa ibang bansa; hindi ito magsisimula ng giyera.

Mula naman sa lente ng mga panlipunang turo ng Simbahan, magandang paalala ang sinabi ni St John Paul II sa ensiklikal niyang Centesimus Annus. Hindi giyera ang tutuldok sa hidwaan at hindi pagkakaunawaan ng mga bansa—kahit pa tungkol ito sa basura. Ang kailangan, sabi ng yumaong Santo Papa, ay mga konkretong hakbang upang lumikha at magtatag ng mga istrukturang magsisilbing tulay sa mga bansa upang maitaguyod ng bawat isa ang kanilang mga karapatan at mapayapang makarating sa isang patas na kasunduan.  Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa kakayahan ng bukás na ugnayan sa pagitan ng mga bansa upang planstahin ang kanilang hindi pagkakaunawaan nang hindi idinadaan sa digmaan. Diyalogo, hindi digmaan, ang pinakamainam nating tugon—sa mga bansa mang ginagawang tapunan ng basura ang ating bakuran o sa mga bansang pumapasok sa ating bakuran upang kunin ang mga bagay na dapat ay pinagbabahaginan ng lahat.

Mga Kapanalig, kung hindi kaya ng pinakamataas na lider ng ating bansa na magpreno sa kanyang mga sinasabi, tayong mga mamamayan ang maging mahinahon at mag-isip nang mabuti. Sa halip na gatungan ang mga pananalitang maaaring ikapahamak pa natin, himukin natin ang ating mga pinuno na pumanig sa kapayapaan ngunit nananatiling may paninindigan sa harap ng mga nang-aagrabiyado sa atin—kung nangako ang mga ito ng aksyon, hanapan natin sila ng aksyon; kung patuloy ang pang-aagrabiyado nila sa atin, dumulog tayo sa mga makatutulong na maayos ang gusot. Katulad nga ng sinabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Roma, “Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.”

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 7,030 total views

 7,030 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,346 total views

 15,346 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 34,078 total views

 34,078 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,584 total views

 50,584 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,848 total views

 51,848 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 7,031 total views

 7,031 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,347 total views

 15,347 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 34,079 total views

 34,079 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 50,585 total views

 50,585 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 51,849 total views

 51,849 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 52,985 total views

 52,985 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 53,210 total views

 53,210 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 45,912 total views

 45,912 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 81,457 total views

 81,457 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 90,333 total views

 90,333 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 101,411 total views

 101,411 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 123,820 total views

 123,820 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 142,538 total views

 142,538 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 150,287 total views

 150,287 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top