Hatag Paglaum, inilunsad ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,359 total reads

Inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang Hatag Paglaum, isang fundraising initiative para sa mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Northern Cebu.

Ayon kay Archbishop Alberto Uy, mahalaga ang nasabing proyekto lalo na sa krisis na kinakaharap ng mga nasalanta, at higit pa ngayong ipinagdiriwang ng simbahan ang Jubilee Year of Hope.
“We want to give hope to the survivors of the earthquake in Cebu by giving our help, pwede in-kind or in cash, any amount will do,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang pangalan ng kampanya ay hindi lamang simbolo, kundi panawagan sa lahat na magkaisa.

“So ang atong fundraising drive Hatag Paglaum gidasig namo ang tanan—ma kabos man o adunahan, gamay’ng tawo o dakong tawo—nga mohatag tag paglaum sa atong mga kaigsoonan nga nabiktima sa linog.”

Dagdag pa ni Archbishop Uy, ang pagtulong ay isang panawagan ng pananampalataya.

“Ang paglaum ug ang paghatag is a Christian calling nga matag-usa nato gidasig kita sa Ginoo nga mohatag sa kaugalingon, sa panahon, ug kaha sa mga grasya nga naa nato ipaambit gyud nato,” saad ng arsobispo.

[Ang pag-asa at ang pagbibigay ay isang Christian calling na tayo ay hinimok ng Panginoon na ialay ang ating sarili, panahon, at mga biyaya upang tunay na maibahagi sa kapwa.]

Katuwang ng arkidiyosesis ang Cebu Caritas, ang social action arm ng simbahan, at ang LH Foundation, na kilala na sa pagtulong lalo na sa mga programang pangkalamidad.

Maaaring magbigay ng donasyon sa iba’t ibang paraan—cash, in-kind donations, o pagpili ng relief kits sa kanilang website. Kabilang dito ang:

Medicine kit (₱500): pangunahing gamot at medikal na pangangailangan
Family kit (₱1,000): bigas, canned goods, noodles, tubig, sabon, at iba pa
Household kit (₱1,500): flashlight, banig, kumot, at mosquito net
Tent kit (₱2,000): tent para sa mga evacuees na nawalan ng tirahan
Bereavement Fund (any amount) na ibibigay sa mga pamilyang naulila dahil sa lindol.

Para sa cash donations, maaari itong ideposito sa Cebu Caritas, Inc. (Metrobank Peso Account No. 308-7-308702495).

Hinihikayat din ang magbibigay ng donasyon na ipadala ang deposit slip sa [email protected] para sa maayos na pagtala at acknowledgement.

Maaring bisitahin ang official facebook page ng Hatag Paglaum

o sa kanilang website na https://hatag-paglaum.myt-smartforms.com/ para sa karagdagang detalye.

Kasabay nito, nagbabala ang arsobispo laban sa mga scam online.

“Daghan kaayong scammers karong panahona, magbantay gyud ta. Ang Cebu Caritas Inc mao ni siyay social action arm sa Archdiocese of Cebu,” giit ni Archbishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 10,552 total reads

 10,552 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 92,292 total reads

 92,292 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 194,018 total reads

 194,018 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 230,806 total reads

 230,806 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 260,949 total reads

 260,949 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top