Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

On Marcos burial: Hindi mawawala ang diwa ng EDSA- Arch. Arguelles

SHARE THE TRUTH

 259 total views

Hindi nawawala ang diwa ng EDSA People Power l sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, kundi ang nawawala ngayon ay ang pagtitiwala sa Diyos.

Ito ang naging pahayag ni CBCP – Permanent Comittee on Public Affairs chairman at Lipa Archbishop Ramon Arguelles kaugnay sa tuluyang ng paghihimlay sa dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Iginiit ni Archbishop Arguelles sa mga mananampalataya na kung tunay na nangingibabaw ang kanilang pananalig sa Diyos ay tatanggapin na nila ang naging desisyon na mailibing ang dating diktador dahil mahalaga na ang katawan ng yumao ay mabigyan na ng kapayapaan.

“Sabi raw na wala na yung spirit of EDSA ako hindi nawawala iyan, pero ang pagtitiwala sa Diyos ang nawawala. Kung tayo ay maka – Diyos kahit na iyan ay diktador basta patay na iyan. Pagdasal natin ang kaluluwa niya ang katawan niya igalang natin. Nagkasala siya, kailangan hindi natin sasabihin na mabuti ang ginawa niya pero pero huwag naman natin siyang kamuhian ngayong patay na siya,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Veritas Patrol.

Paliwanag pa ni Archbishop Arguelles, nauunawaan nitong maraming naging biktima ng naturang diktaturya ngunit mas mainam na ipagdasal na lamang ang kaluluwa ng dating pangulo at matuto sa nakaraan na hindi na muli pang maganap ang trahedya ng nakaraan.

Pinaalalahanan rin nito ang taumbayan na patuloy na mahalin ang demokrasyang nakamtan upang hindi na maulit pa sa kasalukuyan sa panunugkulan ng bagong Pangulo ang diktaturyang sumira sa kasarinlan ng bansa.

“Nagmukhang bayani yang Mamang iyan dahil yung mga sumunod sa kanya ay hindi naman bayani. Kaya muntik ng nanalo iyong kanyang anak dahil sa galit na pumalit sa kanya. Kaya naboto itong presidente na kaibigan naman ng dating diktador, isa pang gustong maging diktador. Paano napakasama ng ginagawa natin sa kalayaan na ipinaglaban ng natin. Yun ang mahirap, sa akin we get what we deserved. Because we dont try our best na talagang i – value yung freedom na ipinaglaban natin,” paglilinaw pa ni Archbishop Arguelles sa Raddyo Veritas.

Nabatid na ang naturang 103 hektaryang sementeryo kung saan ngayon inihimlay si dating Pangulong Marcos sa Taguig City ay himlayan ng mahigit 49,000 mga sundalong Pilipino, mambabatas, bayani at martir.

Sa katuruang ng Simbahang Katolika mahalagang mailibing na ang katawan ng isang yumaong pumanaw.

Gayunman nauna na ring nagpahayag ng pagkadismaya si CBCP – President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na binalewala na lamang ang diwa ng EDSA sa naging desisyon ng Korte Suprema na mailibing sa Heroes Cemtery ang datinbg diktador.

Ngayong tanghali isang ‘military burial’ ang ibinigay kay Marcos sa LNMB kung saan naging bantay-sarado ng militar at pulisya ang seguridad dahil na rin sa mga nagpo-protesta.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 8,099 total views

 8,099 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 22,810 total views

 22,810 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 35,668 total views

 35,668 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 109,939 total views

 109,939 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 165,593 total views

 165,593 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 94,236 total views

 94,236 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 120,050 total views

 120,050 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 152,923 total views

 152,923 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567