Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi pa nawawala ang COVID

SHARE THE TRUTH

 335 total views

Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang mga panahong nagkukumahog ang ating bansa sa paghahanap ng bakuna laban sa COVID-19?

Isa nga ang Pilipinas sa mga developing countries kung saan tila ba napakailap ng pagdating ng mga bakunang kailangan upang proteksyunan ang populasyon laban sa COVID. Pinuná noon ang mistulang pagkamkam ng mayayamang bansa sa mga bakuna. Habang naghihintay ang mga maliliit na bansang mahatiran ng bakuna, nag-aalok na sila sa kanilang mga mamamayan ng second at third boosters. Nagkaroon pa nga noon ng COVAX, isang global initiative na magdadala ng bakuna sa maliliit na bansang katulad ng Pilipinas, ngunit ilang beses din itong nagkulang sa mga supply dahil sa pagkontrol ng malalaking bansa.

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nasa 68% na ng ating populasyon ang fully vaccinated na o nakatanggap na ng dalawang doses. Katumbas ito ng 73.6 milyong Pilipino. Milyun-milyon na rin ang nabigyan ng booster dose, ngunit mukhang matumal ang pamamahagi ng nito. Nasa 20.8 milyon lamang ang nakatanggap ng kanilang unang booster.

Ang resulta? Mahigit 31 milyong vaccine doses na nagkakahalaga ng 15.6 bilyong piso ang naaksaya. Sa bilang na ito, 24 milyon ang na-expire dahil hindi naipamahagi bago matapos ang shelf life ng mga ito. Pitong milyon naman ang hindi na maaaring gamitin dahil nainitan na sila, habang may mga bakuna namang hindi pa nabubuksan o nagagamit. Dagdag pa ng Department of Health, karamihan ng mga nasayang na bakuna ay binili ng pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan.

Ang pag-aatubiling magpabakuna o vaccine hesitancy ang itinuturong dahilan ng pagkasayang ng mga bakuna. Ngayong halos balik na tayo sa tinatawag na old normal kung saan boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face masks, marami na nga ang kampante. Hindi na napapansin ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID. Hindi na napagtutuunan ng atensyon ng publiko ang mga namamatay dahil sa sakit na ito. Parang wala na ngang COVID.

Hindi lamang ang mga eksperto ang nagpapaalala sa atin tungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna. Maging si Pope Francis, tinawag na “moral obligation” nating mga Kristiyano ang pagpapabakuna laban sa COVID. Isa nga raw itong “act of love”—isang gawain ng pag-ibig—dahil isinasaalang-alang natin hindi lamang ang ating kaligtasan kundi ang kaligtasan din ng ating kapwa. Templo ng Espiritu Santo ang ating katawan, wika nga sa 1 Corinto 6:19, ngunit bilang mga Kristiyano, tinatawag din tayong isipin ang ikabubuti ng ating komunidad. Dagdag ng Santo Papa, hindi man daw lubusang mapoproteksyunan ng bakuna ang ating katawan laban sa COVID, ito ang pinakamakatwirang paraan upang hindi na lumaganap pa ang sakit na ito.

Samantala, dapat pang palakasin ng gobyerno ang kampanya nito sa pagpapabakuna. Kung ang nakikita nitong dahilan ay ang pag-aatubili ng mga tao, kailangan itong tugunan sa pamamagitan ng malawakan at masigasig na paghahatid ng tama at tapat na impormasyon. Hindi kasi nakasasabay ang kampanya para sa pagpapabakuna sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang buksan at pasiglahin ang ating ekonomiya. Aanhin natin ang masiglang ekonomiya kung marami naman ang lantad sa sakit?

Magkakaroon muli ng tinatawag na “Bakunahang Bayan” ang DOH ngayong Disyembre. Tatakbo ito sa loob ng dalawang araw, at sana ay mas marami sa atin ang makapagpabakuna. Mahalaga ito lalo na’t lumalamig na ang panahon na nagdadala ng mga sakit na maituturing na sintomas ng COVID. Nagpapasalamat tayo sa Panginoon dahil mas kakaunti na ang tinatamaan ng sakit na ito, ngunit panahon lang ang makapagsasabi kung kailan lubusang mawawala ang COVID.

Mga Kapanalig, muli, ang pagpapabakuna, ani Pope Francis, ay isang simple ngunit makahulugang pagpapamalas ng malasakit sa isa’t isa. Huwag nating sayangin ang biyaya ng bakuna.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 7,658 total views

 7,658 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 41,109 total views

 41,109 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 61,726 total views

 61,726 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 73,191 total views

 73,191 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 94,024 total views

 94,024 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 7,660 total views

 7,660 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 41,111 total views

 41,111 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 61,728 total views

 61,728 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 73,193 total views

 73,193 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 94,026 total views

 94,026 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 104,813 total views

 104,813 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 114,035 total views

 114,035 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 76,937 total views

 76,937 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 84,996 total views

 84,996 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 105,997 total views

 105,997 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 66,000 total views

 66,000 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 69,692 total views

 69,692 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 79,273 total views

 79,273 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 80,935 total views

 80,935 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 98,266 total views

 98,266 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top