Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 31,364 total views

Homily July 14, 2024
15th Sunday of Ordinary Time Cycle B
Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13

Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala. Pinadala niya ang Espiritu Santo. At pinapadala din niya tayo noong tayo ay binyagan.

Bakit siya nagpapadala? Kasi may magandang balita siyang ipinaaabot sa atin. Noon sa Lumang Tipan, ang magandang balita ay ang kanyang pagtitipan sa kanyang bayan. Ang mga Israelita ay kanyang bayan at siya ang kanilang Diyos. Maging masunurin sila sa kanya at hindi niya sila pababayaan. Ngayon sa Bagong Tipan ang pagtitipan na ito ay para na sa lahat ng tao na nananalig sa kanyang pag-ibig. Hindi na lang ito para sa isang lahi kundi para sa lahat na may pananampalataya sa kanyang anak. Si Jesukristo ay ang pahayag ng pag-ibig ng Diyos para sa atin. Sa pamamagitan niya maaari tayong makiisa sa Diyos at maging banal. Dito tayo tinatawag mula pa noong likhain tayo upang maging banal at walang kasalanan. Iyan ang layunin ng ating buhay. Kaya nga siya namatay upang mapawi ang anumang pagkakasala natin. Wala ng hawak ang kasalanan sa atin. Dahil kay Jesus at alang-alang sa kanya, pag-iisahin ng Diyos ang lahat sa langit at sa lupa.

Hindi lang nga tayo may kasunduan sa Diyos. Inampon pa niya tayo na maging kanyang mga anak dahil sa pagmamahal niya sa atin. Hindi ba Magandang Balita ito? Ito ang mensahe ng Diyos kaya palagi siyang nagpapadala ng mga tao hanggang ngayon.

Ganoon kahalaga ng kanyang mensahe na ayaw niya na ito ay maantala ng anumang abalahin. Kaya nga sinabi niya sa mga apostol na huwag sila magdala ng anuman. Huwag alalahanin kung may pera ba sila, kung may pagkain ba, kung may maisusuot ba. God will provide for the mission. Hindi naman pababayaan ng Diyos ay kanyang pinapadala. Huwag din dapat sila mapigilan ng pagtanggap o ng hindi pagtanggap ng mga tao. Tumuloy sila sa anumang bahay na magpatuloy sa kanila. Kung hindi sila tanggapin sa isang bahay o sa isang lugar, tumuloy sila sa susunod.

At naranasan nga ng mga apostol ang success ng kanilang pagmimisyon. Maraming mga demonyo ang kanilang napalalayas. Napagaling nila ang maraming may sakit. Ipinangaral nila ang pagsisisi upang matanggap ang Magandang Balita, at marami ang naniwala. Talagang hindi pinababayaan ng Diyos ang kanyang pinapadala.

Pero hindi lahat ay handang tumanggap sa mga pinapadala ng Diyos. Sa unang pagbasa narinig natin ang hindi pagtanggap kay propeta Amos ng punong pari na si Amasias. Punong pari pa naman siya ngunit hindi niya tinanggap ang mensahero ng Diyos! Si Amos ay nananawagan sa mga tao sa harap ng dambana ng Diyos sa Betel. Isinumbong siya sa hari at pinapaalis doon kasi ayaw pakinggan ng pari at ng hari ang mensahe niya na magbalik loob. Sabi ni Amasias kay Amos na umalis na siya. Hindi naman siya taga-Samaria. Siya ay taga-Juda. Doon na siya magpahayag sa bayan niya. Sumunod ba si Propeta Amos? Nanahimik ba siya? Hindi! Kasi siya ay pinadala ng Diyos. Hindi naman siyang kusang gumagawa ng gawain ng propeta. May trabaho siya doon sa kanila. Tagapag-alaga siya ng puno ng igos at pastol siya ng kawan pero tinawag siya ng Diyos at pinadala sa Samaria upang maging propeta doon. Tapat si Amos sa nagpadala sa kanya. Kahit na hindi siya tinanggap, hindi siya tumigil.

Tayo ba ay tapat din sa Diyos na nagpapadala sa atin? Tayong nakatanggap ng kaligtasan ay pinapadala din upang ibahagi ang ating pagkakilala sa Diyos sa iba. Kung talagang mabuting balita ang ating tinanggap, hindi dapat itong manatili na atin lang. Ang bawat bininyagan ay hindi lang nakatanggap ng kaligtasan. Ibahagi din natin ang kaligtasang ito sa iba at magtulungan tayong isabuhay ang kaligtasang natanggap natin.

Alam po natin na marami pang tao ang hindi nagpapahalaga sa kanilang pananampalataya. Nabinyagan nga sila pero hindi nila ito napapahalagahan at naisasabuhay. Tayong biniyayaan na makilala si Kristo ay may tungkulin na ilapit ang iba sa kanya. Sa ating pagsasagawa ng misyong ito mas gaganda ang ating buhay mismo. Hindi ba mas magiging maganda ang ating pamilya at maging ang ating sambayanan sambayanan kung ang mga tao ay sumusunod sa batas ng Diyos? Kaya mayroong gulo sa atin dahil nandiyan iyong galit, iyong mga bisyo, iyong pagsasamantala sa iba, iyong pagsisinungaling, iyong paninirang puri – ang mga ito na labag sa kalooban ng Diyos at nagbibigay ng kaguluhan sa ating pamilya at komunidad. Kaya kailangan na palawakin ang pagkakilala kay Kristo upang mas maging mapayapa at kaaya-aya ang ating kalagayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,912 total views

 8,912 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,012 total views

 17,012 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,979 total views

 34,979 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,309 total views

 64,309 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,886 total views

 84,886 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 4, 2024

 3,395 total views

 3,395 total views 3rd Sunday of Easter Cycle C Acts 5:27-32.40-41 Rev 5:11-14 Jn 21:1-19 Mula noong si Jesus ay muling nabuhay, mayroon ng pagkakaiba ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 27, 2025

 5,057 total views

 5,057 total views 2nd Sunday of Easter Cycle C Divine Mercy Sunday Acts 5:12-16 Rev:9-11.12-13 Jn 20:19-31 Sa Muling Pagkabuhay, nararanasan natin ang kadakilaan ni Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 20, 2025

 7,592 total views

 7,592 total views Easter Sunday Cycle C Acts 10:34.37-43 Col 3:1-4 Jn 20: 1-9 Happy Easter! Maligayang Linggo ng Muling Pagkabuhay! Ito na po ang matagal

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 13, 2025

 10,166 total views

 10,166 total views Palm Sunday of the Lord’s Passion Cycle C Alay Kapwa Sunday Is 50:4-7 Phil 2:6-11 Lk 12:14-23:56 Ngayon araw nagsisimula na ang Semana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 6, 2025

 11,811 total views

 11,811 total views 5th Sunday of Lent Cycle C Is 43:16-21 Phil 3:8-14 Jn 8:1-11 “Gawa ng Diyos ay dakila kaya tayo’y natutuwa.” Ito ang tugon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 30, 2025

 13,848 total views

 13,848 total views 4th Sunday of Lent Cycle C Laetare Sunday Jos 5:9-12 2 Cor 5:5.17-21 Lk 15:1-3.11-32 “Ang tao’y ibinilang ng Diyos na kanyang kaibigan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 23, 2025

 16,214 total views

 16,214 total views 3rd Sunday of Lent Cycle C Ex 3:1-8.13-15 1 Cor 10:1-6.10-12 Lk 13:1-9 Dahil po sa television, sa radio at sa social media,

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 23, 2025

 18,307 total views

 18,307 total views 3rd Sunday of Lent Cycle C Ex 3:1-8.13-15 1 Cor 10:1-6.10-12 Lk 13:1-9 Dahil po sa television, sa radio at sa social media,

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 9, 2025

 20,836 total views

 20,836 total views 1st Sunday of Lent Cycle C Dt 26:4-10 Rom 10:8-13 Lk 4:1-13 Ang kuwaresma ay isang katangi-tanging panahon ng simbahan. Sa panahong ito

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 2, 2025

 25,309 total views

 25,309 total views 8th Sunday of the Year Cycle C Sir 27, 4-7 1 Cor 15:54-58 Lk 6:39-45 Ang ating buhay ay puno ng pagdedesisyon. Kahit

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 23, 2025

 26,725 total views

 26,725 total views 7th Sunday of Ordinary Time Cycle C St Peter the Apostle Sunday (Opus Sancti Petri) 1 Sam 26:2.7-9.12-13.22-23 1 Cor 15:45-49 Lk 6:27-38

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 16, 2025

 28,428 total views

 28,428 total views 6th Sunday of Ordinary Time Cycle C Jer 17:5-8 1 Cor 15:12.16-20 Lk 6:17.20-26 Marami sa atin, o baka lahat tayo, ay naghahanap

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 9, 2025

 30,667 total views

 30,667 total views 5th Sunday of Ordinary time Cycle C Is 6:1-2.3-8 1 Cor 15:1-11 Lk 5:1-11 Sa harap ng mga dakilang tao, o kakila-kilabot na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 2, 2025

 32,895 total views

 32,895 total views Feast of the Presentation of the Lord World Day for Consecrated and Religious Life Pro-Life Sunday Day of Prayer and Awareness against Human

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 26, 2025

 34,354 total views

 34,354 total views 3rd Sunday of Ordinary Time Cycle C Sunday of the Word of God National Bible Sunday Neh 8:2-4.5-6.8-10 1 Cor 12:12-30 Lk 1:1-4.4:14-21

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top